Kabanata 2

1453 Words
Kabanata 2 "SINO NGA po pala ang kasama mo Ninong?" tanong ko na rin baka may babae itong kasama tulad noong huli itong umuwi. Pero isang araw ko lang nakita ang babae no'n dahil umalis na rin agad. "Just me, Angel." sagot nitong sa mukha ko na naman nakatingin. Kaya dama ko ang lalong paglakas nang pintig nang puso ko. Kakaiba talaga ang dating nang Ninong ko. "Oh siya sige na anak, mabuti pa umuwi ka na muna at kumuha ka nang ilang damit mo. Tutal Sabado naman bukas. Tamang tama naman at magbabakasyon na." "May damit po ako sa quarters, papa." sabi ko kay Papa. Talagang nagdadala ako ng damit lagi para may maipampalit ako kapag naglilinis at nagdidilig nang hardin. "Well kung ganun, would you mind cook our dinner, Angel. Gutom na si Ninong," saad nitong matamis ang ngiti. Bakit ang sweet ng tawag niya sa akin ngayon? "Dito ka na rin magdinner Kuya Janus nang makapag-inuman tayo, matagal na rin nang huli hindi ba. Bakit kasi ayaw mo ring lumipat dito? Lagi namang walang tao dito sa Villa." "Malapit lang ang bahay namin dito Nick," sagot ni Papa, ako naman ay tumuloy na sa main house upang maghanda nang hapunan na request ni Ninong. At tulad nang sabi nito punong-puno na nang laman ang fridge at may ilang bag pa nang grocery na nasa lamesa. Nag-isip ako nang mailuluto. Naalala kong mahilig si Ninong Nick sa sabaw kaya magsisigang na lang ako. Sanay ako sa gawaing bahay kaya mabilis ang kilos ko sa kusina. Habang nag-aantay maluto ang sinigang. Sinimulan ko namang ayusin ang groceries na hindi pa nailalagay sa ayos. Natuwa akong makitang halos mapuno ang laman nang mga hanging cabinet habang isinasalansan ko ang mga mamahaling can goods doon. Tumapak lang ako sa silyang naroon para maabot ko ang cabinet at maiayos ang lahat. "Lalo akong nagutom ah!" nagitla ako sa boses na 'yon kaya't muntik na ako mawalan nang balanse, pero mabilis na nakalapit ang Ninong Nick at nahawakan ako. "Careful, baby." Mahinang saad nito na sinalubong pa ang titig ko. Biglang parang may mga kabayong nagrambulan sa dibdib ko, dahil damang dama ko ang mainit na palad ni Ninong na bumaba sa hita ko. Saka ako nito binuhat at ibinaba sa upuan. Kaya napakapit na lang tuloy ako sa matipunong balikat nito. Kung puwede lang pisilin ko ang mga maskels ni Ninong Nick, ang titigas kasi eh. Sa isiping iyon ay kaagad na nag-init ang mukha ko. "Ang dumi nang utak mo Amber Gel," lihim na sermon ko sa sarili ko. Nanoot sa ilong ko ang mabangong amoy nito. Amoy masarap talaga si Ninong. Nakakagutom. "Sa...salamat po." kanda-utal ko pang saad. "Masayado ka na atang formal ngayon Angel, dati naman ang ingay-ingay mo dito sa bahay." Nakangising turan nito. "Po...ah ano... kasi bata pa naman po kasi ako noon Ninong." Nahihiyang sagot ko na ikinangisi nito. Hindi ko na rin naman maalala ang mga 'yon. Dahil ang higit lang na tumatak sa akin ay ang nakalipas na tatlong taon. When I start seeing my Ninong more than just my Ninong. Natawa ako sa sarili ko napapa-english na tuloy ako. Anyway basta, crush ko si Ninong Nick noon pa. O baka hindi nga lang crush. Ewan. Basta mahirap ipaliwanag. Ang alam ko lang parang may mga paru-parong naglalaro sa sikmura ko sa sandaling napatitig ako sa mga mata ito. "It seems so. Napaka-careless mo pa nga noon," nakangti pang turan nito. Parang tinatambol na naman ang pulso ko sa sandaling iyon. Paano ang lapit nito sa akin tapos kailangan ko pang tumingala. "Sa extension room ka sa itaas matulog Angel. Doon sa katabi ng room ko. Para madali kitang mapuntahan kapag kailagan kita." suhesyon nitong naramdaman kong inayos nito ang shorts kong tumaas pala. Tumango naman ako. Saka binalingan nang niluluto ko. "Luto na ba?" tanong nito na muli kong ikinatango. Saka ko pinatay ang kalan. Medyo nanginig pa ang tuhod ko dahil sa kakaibang epekto sa akin ni Ninong Nick. "Ako na niyan mukhang napagod ka." presenta nito, ito na ang naghango nang kaserola sa kalan. "Dalawa lang tayo kakain nito baby, uuwi raw muna ang Papa mo. Magdadala raw nang pulutan." paliwanag nito. "Sabayan mo akong kumain," utos nito na hindi ko naman tinangihan. Gutom na rin naman ako. "May boyfriend ka na ba Baby Angel?" tanong nito nang maka-upo na kami. "Naku wala ho Ninong." Nag-init pa ang mukhang sagot ko. "Talaga."anitong kumunot ang noo pero ngumiti rin naman. "Mabuti naman. Keep my company habang nandito ako para hindi ako mabored, okay" dagdag pa nito. "Sige po," sagot ko pa sabay subo. Matapos kumain ay nagligpit na ako nang pinagkainan namin at nagpaalam naman si Ninong na maliligo raw muna. Maya maya pa ay dumating na rin si Papa na may dalang sisig na isinalin nito sa plato. Saka naglabas ng inumin mula sa cabinet. "Papa huwag kang magpapakalasing ha, at kumain ka muna," bilin ko dito. "Batang 'to, alam ko na 'yon. Dalhin ko na 'to sa verandah. Isunod mo itong baso, anak," utos sa akin ni Papa na kaagad ko ring sinunod. Pinunasan ko pa muna ang mesa saka ko inilapag ang bitbit kong baso at ganun rin ang ginawa ni Papa sa dala nitong alak at pulutan. Maya maya pa ay dumating naman si Ninong Nick na mukhang preskong-presko at lalong napakabango. "Ayos 'to Kuya. Ikaw Baby umiinum ka ba?" baling nito sa akin bago naupo. "Hindi ho," tangi ko, pero ang totoo, nasubukan ko nang uminum dahil kay Mimi. At kapag sinabi kung oo, lagot ako kay Papa. "Bata pa ang prinsesa ko kaya hindi pa siya puweding uminum." ani papa na pumuwesto na sa upuang bakal. Nasa verandah sa may garden ang mga ito nakapuwesto kung saan kita ang mga halamang inaalagaan ko. "Ang ganda sa mata ng mga halaman dito, kuya." dinig kong puri ni Ninong Nick kaya napalingon ako dito, pero ipinagtaka kong sa akin nakatingin ang maitim na pares na mga mata nito. Dahilan upang mapalunok na lang ako. Para kasi akong nahi-hipnotize sa titig ni Ninong Nick. "Mahusay sa halaman ang inaanak mo, siya ang nag-aalaga sa mga 'yan," may pagmamalaking saad ni Papa. "Kaya natitiyak kong masuwerte ang magiging asawa ni Amber pagdating ng araw. Aba'y bukod sa maganda ang anak ko, masipag at masarap pang magluto." proud na dagdag pa nito. "Si Papa talaga," mahinang reklamo ko na ikinatawa ni Ninong Nick. At sheyt pati ang tawa niya ang sarap sa ears ko. Nakakakiliti. "Masarap ngang magluto itong inaanak ko. Nasasabik tuloy akong matikman ang ibang luto niya." makahulugang saad ni Ninong na nagpabilis nang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kanina pa parang double meaning sa akin ang mga sinasabi ni Ninong Nick. Para kasing iba ang gusto niyang matikman sa luto ko. Lihim na senermunan ko ang sarili ko. "Ang berde ng utak mo Amber Gel!" Para na naman akong tanga na kinikilig na naman kay Ninong Nick. Just like three years ago. Pumasok na ako sa bahay pero sa salas ako nanatili para madali kong makita si Ninong---este kung may kailangan sila ma-assist ko agad. "Wala ka na ba talagang planong mag-asawa Nick, abay 35 ka na ah," maya maya dinig kong sabi ni Papa kay Ninong. "Mag-35 pa lang Kuya," pagtatama nito. Hindi na ata ako mag-aasawa. Walang ganang saad nito kaya napalingon ako sa bintana. Naka-upo paharap sa direksyon ko si Ninong Nick kaya kita ko ang malungkot na ekspresyon nito. "Hindi lahat ng babae katulad niya, ikaw talaga. Kalimutan mo na ang nakaraan at magmove-on ka na. Ilang taon na rin iyon," "Anong mayroon?" tanong ko sa sarili ko. "Uminum na nga lang tayo, Kuya," pag-iiba nito nang paksa. Nagtaka tuloy ako kung anong pinag-uusapan nila. Sa edad kasi ni Ninong dapat talaga may pamilya na siya. Si Papa ko nga bata pa nang nag-asawa. Pero may bahagi naman sa pagkatao ko ang masaya. Dahil kung may asawa na si Ninong, ano pang pag-asa ko sa kanya ngayon diba? Sana lang magtagal siya dito sa San Miguel. "Tagay na," ani papa na itinaas pa ang basong may alak. "Para makahanap ka na nang babaing mamahalin mo. At tigilan mo na ang pambababae mo." "Oo na..." natatawang saad ni Ninong Nick. Na sumulyap pa sa direksyon ko. Kita kong pagngiti nito bago tumagay ng alak. Pati ngiti ni Ninong nakaka-inlove talaga. Lahat na lang. Over ka na sa blessing Ninong. Sukat doon ay may ideyang pumasok na lang bigla sa utak ko dahilan upang mapakagat labi ako sabay ngisi. Pero paglingon ko ulit nakatitig na naman sa akin si Ninong, saka ito gumanti ng ngiti na tila ba alam ang naglalaro sa utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD