Kabanata 25 DAMA KONG NAG-IINIT ang mukha ko dahil sa nakikita at narininig ko sa babaing parang sawa na nakalingkis sa braso ni Ninong. Mukhang totoo nga ang sabi ni Papa na playboy si Ninong Nick. Kaya hindi ko maiwasang makadama nang kirot sa dibdib ko, lalo't hindi rin sinasaway ni Ninong ang malanding babae. At para naman akong tanga na hindi na lang makakilos sa kinatatayuan ko. At nang sa wakas ay na hamig ko ang katinuan ko ay mabilis ang mga hakbang kong nilapitan ang mga ito. Kita ko ang pagkabigla sa mata ni Ninong, pero nagawa ring ngumiti sa akin. "Nandito na pala ang inaanak ko," sabi ni Ninong sa babaing sawa na kaagad nasira ang mukha nang makita ako. At tila ba ako isang insekto na tinitigan nito mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko nanliliit ako sa tingin ng babae

