Kabanata 31 "OY GIRL, sarap ng ngiti mo ah." nagulat pa ako nang tapikin ako ni Ligaya sa braso. Sinulyapan nito ang phone ko saka naupo sa tabi ko. Magkachat kasi kami ni Ninong. At kung anu-ano na namang sinasabi nito kahit nasa meeting ito ngayon. "Wala, si Nick kasi parang ewan," di ko mapigilang mapangiti. Pero kita kong pag-iling ni Ligaya sabay palatak. "Grabe ka girl, iba ka rin ma-inlove no. Pero ikaw ba sure na love 'yan? Baka infatuations lang 'yan. Mukhang todo bigay ka na sa jowa mo, girl," puna nitong ikinapalis ng ngiti ko. Saglit akong nag-isip. "Eighteen na ako kaya sure naman akong love na 'to. At bukod doon, ilang taon ko nang gusto si Nick, kinse pa lang ata ako noon." "Ah, basta. Okay lang na mainlove ka pero huwag todo girl. Ang hirap magmove on kapag masyadon

