Kabanata 23 KULANG NA lang tumalon ang puso ko palabas ng rib cage ko, kaya mabilis kong naitulak ko si Ninong, kasunod nang pagbukas nang pinto. "Damn it!" Dinig kong mahinang mura ni Ninong na tumayo para harapin ang galit na si Papa. Naroong hindi ko alam kung magtatago ba ako o ano. Dahil para akong naestatwa sa kinauupuan ko. At samu't saring tanong ang gumugulo sa isipan ko. Nahuli ba kami ni Papa? "Kuya," sambit ni Ninong. "Anong ibig sabihin nito?" Kita kong namumula ang mukha ni Papa habang hawak ang halos gusot nang papel. Kita kong natigilan naman si Ninong, pero relief na napatitig sa papel na hawak ni Papa. Ang sabi ni Papa sa susunod na araw pa ito makakabalik, kaya nagtaka ako kung bakit naroon na ito. Inabot ni Ninong ang gusot na papel na hawak ni Papa. "Putcha!" rin

