Basta na sa Siargao ako. Maaga talaga akong nagigising. Akala ko ay coincidence lang iyon unang beses akong nag-stay rito. Now that it's my second time at nangyayari ulit iyong routine ng tulog at gising ko na gaya rati. Na-figure out ko na baka nga yung panahon, huni ng mga ibon sa paligid---the homey ambiance of the place itself is the reason why madali akong nakakatulog at maagang nagigising. Bumaling ako sa aking kanan para sana harapin si Gael. To my surprise, bakanteng espasyo ang sumalubong sa akin. May bakas doon na may katabi ako kagabi. Nakakalat kasi iyong unan at gusot-gusot din ang duvet. In time sa pagbangon ko sa kama at pag-alis ng comforter sa aking upper body dahil tatayo na sana ako ay pumasok si Gael sa kakabukas lang na pinto. Naka-pajama pa siya at t-shirt na

