Kabanata 53

2030 Words

Ang paalam ko kina Mama Liz at Gael ay nasa manor na kami bago mag-ala sais nung tumawag sila sa amin kaninang alas dos. Ang tagal ko na kasing nawawala sa manor at nag-aalala na talaga sila kung saan na kami napadpad ni Vienne. Hindi sapat kay Gael na nagkausap kami sa cellphone. Talagang nag-video call pa siya sa akin para makita niya kung saang beach kami nakatambay ng bestfriend ko. Iyong driver na kasama naming dalawa ay naiinip na rin siguro sa paghihintay sa amin ni Vienne. Inu-offer-an na lang namin siya ng meryenda at kung ano-ano pa every now and then para hindi naman siya mabaliw sa pagkaburyong. "Five minutes till sunset," saad ni Vienne. Pinatay niya na ulit iyong phone at nilagay iyon sa loob ng kaniyang bag. Nagkasundo kaming dalawa kanina na hihintayin namin ang pagl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD