Mali ako ng akala. Dahil halos iisang way lang naman ang papunta sa DC Towers kung nasaan penthouse ni Gael at ang way papunta sa main office ng kumpanya nila. Hindi ko agad namalayan na sa office pala ang punta naming dalawa at hindi sa penthouse niya hanggang sa tinatalunton na namin ang papunta sa basement parking. "Mayroon akong afternoon meeting," bigla nitong pag-iimporma sa akin. Pinarke nito ang sports car sa isang slot ng basemet na pakiramdam ko ay talagang nakareserba sa kaniya at walang ibang gumagamit. Gael glance at his rolex for the time, "Magsisimula iyon fifteen minutes from now." "May meeting ka naman pala. Bakit sinama mo pa ako rito? Anong gagawin ko rito sa office mo?" masungit ko nang sinabi. Buwisit na naman ako sa lalaking ito kasi pumapel na naman siya. The

