Parang fiesta sa rami ang mga pagkain na nakahain sa harapan ko. Kulang na lang ay magpa-buffet sina Mama Liz at Gael dito sa kuwarto. Kung hihilingin ko nga sa kanila na gawin iyon. In less than an hour, I'm sure mayroon na agad caterer na isa-isang magpapasok ng iba't ibang putahe na nakaayon lahat sa panlasa ko. "Ano ang gusto mong kainin?" si Florence na kagiging lang mula sa lampas na apat na oras yata nitong tulog ay nasa mga lolo at lola niya. Si Kohen naman ay nakaupo lang sa gilid. May hawak siyang phone at sa palagay ko ay sa kaniya na atang ni Mama Liz ang responsibilidad na kumuha ng sandamakmak na video at pictures. Dahil mayroon ngang tumitingin kay Florence. Ang buong atensyon ni Gael ay nasa akin. Inalalayan niya akong makaupo mula sa aking pagkakahiga. Nagdagdag di

