Para lang matahimik na si Gael at hindi na humaba pa ang pagdidiskusyunan naming dalawa. Pumayag na lang ako na mag-pregnancy test tomorrow. Habang hinihintay pa rin ang delivery na dumating. Nag-search-search na ako sa google kung paano ba ang tamang paggamit ng pregnancy kit. Ayon sa result na nakita ko. Mas okay raw kung sa umaga gagawin ang pregnancy test. Iyong unang ihi pagkagising. I breathe deeply. Natatakot ako para sa career ko kung talaga ngang buntis ako. Malaki ang chance na hindi na muna ako makakasali sa sea games. Kung sakali mang buntis talaga ako, malinaw sa akin ang ipinararating ni Gael na pananagutan niya ako. What scares me the most now is that I'll disappoint coach sanchez and the whole Magilas team. Kasisimula pa lang halos ng career ko, kaka-peak ko pa lang t

