Nung huling mga araw bago ang anniversary party nina Mama Liz at Mr. De Castelleon. Naging busy na ang lahat. Naging abala na sina Gael, Kohen at ang Ama nila sa usapin ng bagong business venture. Araw-araw ay lampas tatlo o apat na oras yata ang ginugol ng mga iyon sa study. Si Mama Liz na lang halos ang may time sa akin. Hindi na nga lang ganoon kahaba dahil every now and then ay ipinatatawag siya para hingiin ang opinion niya sa preparasyon. Ang ending, naiiwan talaga akong mag-isa sa napaka-laking manor. I'll be fine with scrolling and watching videos on my phone tapos kapag na-bored ako ay maglilibot ako kung hindi sa loob ng Manor ay sa malaking garden. The garden and the manor is massive. Ilang araw na akong nag-ikot-ikot pero bawat ginagawa ko iyon ay mayroon at mayroon akong nad

