Nangalumbaba na lang ako habang pinagmamasdan ko ang palette ng iba't ibang pintura. Iba-iba ang kulay ng mga pinturang iyon pero lahat ito ay pastel color, tamang-tama lang para magamit namin sa walls ng nursery room. Dahan-dahang gumapang ang kamay ko papunta sa iced coffee ni Gael. Nang maramdaman ko ang mga mata nito na nanlilisik na naman. Ngumisi lang ako sa kaniya. Wala naman talaga akong planong inumin ang kape niya. Alam ko kasi na bawal iyon sa akin at makasasama siya sa limang buwan ko nang pinagbubuntis. "Hinahawakan ko lang naman at aamuyin lang. I won't drink it, I swear. Wala naman akong balak na ipahamak ang anak natin, no," pagdadahilan at depensa ko pa sa aking sarili. Gael won't by that reason of mine. Nakasimangot kong sinisipsip ang ang straw ng iced hibiscus te

