Pagbukas ni Vienne sa pinto ng unit niya ay inirapan ko iyon. Nakakaloka naman kasi ang babaeng 'to. Bigla ba naman nagpalit ng passcode sa pinto ng kaniyang unit. Imbes na basta-basta na lang akong makakapasok sa bahay niya tuwing gusto ko siyang bisitahin. Kailangan ko pa talagang maghintay ngayon sa tapat ng pinto niya hanggang sa pagbuksan niya ako. Para akong trinayador. How dare she na basta-basta na lang akong tanggalan ng pribilehiyo na alam ko ang code sa pinto niya. Hindi ito katanggap-tanggap. Alam niyang papunta ako pero ni hindi man lang sumagi sa isip niya na i-inform ako na nagpalit na siya ng code. She could have told me her new password. Para naman hindi ako napahiya ng medyo at nagpanic nang kaonti nang mag-error iyong alam kong code. "What is it ba?" I left my bag

