Kapag hindi nakahanap si Gael ng paraan na mailabas ako sa kalokohan na ito. Sisiguraduhin ko talaga na hindi lang ulo niya ang pasasakitin ko kung hindi pati na rin ang bulsa niya. Hindi ako fan ng mga high-end brands at mga nagkikintabang diyamante at alahas but I can work on that. Bibigyan ko siya ng sakit sa ulo hanggang sa mapilitan na siyang umamin sa mga magulang niya. "We will look forward in having you again," sabi ni Ninzi or Minzi. Hindi ko na maalala ang totoong pangalan ng babaeng iyon. Basta she is nice. Kung sakaling maisipan ko ulit na magpaayos ako ng buhok tapos nandito ako sa Siargao. Rito pa rin sa salon na ito ang takbo ko. Gusto kong siya pa rin ang hahawak sa buhok ko. Imbes na magsalita pa ay nakipagngitian na lang ako rito at lumabas na ng salon. The salon did

