Author's POV Tatlong oras silang naghintay bago matapos ang operasyon. Agad na lumabas ang doktor. Unang lumapit si Simon. "How is she doc? Ayos lang ba ang pasyente?" Hindi mapakaling tanong ni Simon. "Calm down mister, masyadong palaban ang patient. I can't believe na nakayanan niya 'yun? Malapit na sa spinal cord ang tama niya pero nakaya niya parin. Ligtas na ang pasyente , ililipat nalang siya sa private room mamaya at hihintayin niyo na lamang siyang magising." Napahinga naman ng malalim ang iba. "Thank God!" Nakapikit na sambit ni Ken. "I have to go." Pagpapaalam ng doktor, tumango naman ang lahat. Ken's POV Nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Wala na akong ginawa kundi magpasalamat sa KANYA. He answered my prayer quickly. Nandito kami sa Private Room ni Sam. Masyado itong

