Sam's POV Ang bilis ng araw, dalawang araw na pala akong nananatili kasama ang tropa ng kuya ko at hindi ko malilimutan ang nangyari kagabi sa may Arena. Nung nagkatitigan kami e parang wala na akong nakikitang tao bukod sa kaniya. Parang tumigil ang oras, lahat ng tao sa paligid ko hindi ko marinig basta nakatuon lamang atensyon ko sa kaniya. "Sam, wake up! Sasabay ka na sa amin na papasok ngayon." Nairita akong bumangon at sumunod nalang sa utos ni kuya. "Coming!" Iyan lamang ang nasigaw ko at dumiretso na sa bathroom at ginawa ang aking morning rituals. "Kuya pwedeng mag commute nalang ako?" Nakakunot ang noo niyang bumaling sa akin. "Bakit?" "Alam mo namang virus na ngayon ang bully, anong gagawin ko sa mga oh so called FANS niyo?" Napairap ako sa kaniya. "Patayin mo." Nagulat

