Sinusundan ni Samantha si Shawn, isa sa miyembro ng grupong Bad System. Baka kasi pumunta ito ng Hideout ng grupo nila.
Sam's POV
I'm just following this guy until nag-stop siya sa isang Korean Restaurant. Baka may ime-meet siya diyan pero kailangan kong malaman kung saan 'yung HIDEOUT nila. Pumasok siya kaya pumasok din ako.
Pagkapasok ko. Nakita ko si Irene Mondeos, teka sa pagkakaalam ko ay kasama siya sa Grey Disaster.
Umupo ako sa malapit sa table nila.
"Kamusta ang grupo niyo?" Panimula ni Irene kaya mas lalong napakunot ang aking noo.
"Okay lang naman. Ayon, namomroblema ng kaunti si Aris." Sagot naman netong si Shawn.
"Bakit?"
Tumikhim si Shawn bago sumagot pero ngumisi kaagad. "Nakapatay kami."
Nanlaki naman ang mga mata ni Irene. "Talaga?! Sino?"
"You know Gwyneth sa Black Eye?"
"My Gosh, the flirt?"
Bigla akong nanggigil. Ah! Flirt daw ah. Kapal!
"Shut it babe. Patay na nga e."
"Mabuti lang 'yon sa kaniya. Sinulot niya kaya sa akin si Lance." Irene shrugged.
"Bakit? Si Lance parin ba hanggang ngayon?"
"Nope, alam mo namang ikaw na." Irene smiled.
Tss. Ang daming kaartehan! Talagang na-lovelife pa ang mga tukmol!
"Uh, by the way paniguradong lagot kayo kay Black Princess."
"Iyon nga ang ikinatatakot ni leader Aris."
"Be careful babe, mahirap kalabanin ang binangga niyo." Nakita kong napailing si Irene.
Mataman akong nakikinig pero biglang may humarang sa akin na waitress.
"Ma'am ano po ang order niyo?" Tanong niya.
"Ahmm, bigyan mo ako ng kahit na ano. Basta kahit ano."
Hinhintay ko siyang umalis pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
Inalis ko ang shades ko at tinignan siya ng masama.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Malamig kong sabi at tinaasan siya ng kilay.
"Ahmm, wala po. Kayo po? Ano pong tinitignan niyo rin diyan?"
"Aba! Iyan ba ang trabaho mo dito? Ang maki-chismis?"
"Sorry po." Paghingi niya ng paumanhin. Inirapan ko lang siya, bago niya ako tinalikuran.
Napatingin ulit ako sa pwesto nil Shawn at nagulat ako ng wala na sila doon. Aish! Baka lumabas na. Nakakainis na waitress 'yon.
Author's POV
Palabas na sana si Sam nang bigla siyang habulin ng Waitress.
"Ma'am sandali, iyong order niyo po!" Habol neto.
Napapikit siya ng mariin ng bigla siyang hinawakan neto sa braso.
Dahil sa galit ni Sam ay sinakal niya ito ay at sinandal niya sa pader. Nagulat ang lahat. Sumugod sa kaniya ang mga guards pero binigyan niya lang ito ng mga sipa.
Nawawala na siya sa tamang huwisyo.
"Sa susunod huwag na huwag kang mang-iistorbo ng mga costumers ah? Nakakaabala ka e!" Matamang sabi niya rito kaya naman napatango ito. Tinanggal niya ang kaniyang shades. "Tandaan mo ang mukhang ito, miss." She smirk. Binitawan niya ito, at kaagad itong naghabol ng hininga.
Isinuot muli ni Sam ang kanyang shades at tuluyan nang lumabas ng Resto. May nadaanan siyang isang eskinita at mayroon siyang nakitang mga tao doon na nagpalaki ng kanyang mga mata. Ang ilang miyembro ng GREY DISASTER at ang WINSTON.
Base narin sa pagkakita niya kung paano bumukas-sara ang bibig ng mga ito ay alam niyang nag-uusap ang mga ito.
Nag-uusap ang leader ng bawat grupo na sina Ken at Zach.
Mukha yatang maglalaban ang mga to ah. Exciting! Subukan lang nila saktan kuya ko, tatanggalan ko sila ng atay.
Mga ilang minuto lang ay nagsimula ng maglaban laban ang dalawang grupo.
Biglang sinugod ni Zach si Ken kaya sinikmuraan kaagad ni Ken ito kaya naman napaluhod ito. Nang nakaluhod na si Zach 'saka naman sinipa ni Ken sa mukha. Si Simon naman ay kay Stephen binigyan niya ito ng isa lamang malakas na sipa kaya namanpnapahiga ng wala sa oras si Stephen.
Nakipag-laban din ng matindi ang ibinuga ng ibang miyembro ng WINSTON.
Not bad! Magaling!
Kaagad siyang umalis sa lugar na iyon dahil baka mahuli pa siya.
"Saan ka galing kuya?" Nakapameywang si Sam sa harapan ng kaniyang kuya.
Arte lang 'yan kunwari.
"Bakit? Diyan lang, namasyal." Nagkibit-balikat ito.
"Psh! Namasyal na pa----" Hindi na natapos pa ni Samantha abg sasabihin ng biglang punasok sa kabahayan nila ang WINSTON.
"Hey there Nerdybabe." Bati kaagad ni James kay Samantha.
Alam niya, alam niyang ito ang pinaka-playboy sa Winston.
Suot neto ang napakalanding ngiti, siguro kapag ibamg babae ay bumigay na pero siya? Nah!
"What are they doing here?"
"Dito sil magla-lunch." Sagot ni Simon.
"Oo nga Nerdybabe e. Gutom na gutom na kami." James pouted. Napangiwi kaagad si Samantha ar umupo sa couch kaya naman kaagad na tumabi sa kaniya si Carl.
"Hey Nerdybabe." Bati neto.
"Hoy! Gaya-gaya ka Carl. Cs ko 'yon sa kaniya e." Reklamo kaagad ni James.
Puro asaran nila ang naririnig ni Samantha.
Kinuha niya ang mga gamit niya kasi nung pagdating niya kunwari nagrereview siya para naman may palusot siya sa kaniyang kuya kung sakali pero 'di naman niya akalain na nandito itong mga to. Tumayo na siya at pumunta sa kaniyang kwarto. Hindi pinansin ang tawag sa kaniya ng Winston.
"Nerdybabe saan ka pupunta?" Pahabol na sigaw ni Kurt sa kaniya.
"Tss."
Lingid sa kaalaman niya na nasalo sa mga librong kinuha niya ang kaniyang isang librong importante. Iyong Gangsters book. Hindi iyon nakatakas sa paningin ni Ken.
Ken's POV
Bago tuluyang pumunta si Sam sa kwarto niya. May nakita akong libro tungkol sa Gangster. Wait! What? Gangsters?! What the fudge?! Bakit may ganoon siya? At tsaka sa mga nerds na nakilala ko siya lang ang masungit at cold. Napaka cold niya.
Na-curious tuloy kaagad ako. I can feel that she's hiding something. I can feel it.
What are you hiding Ms. Nerdybabe?