Sam's POV Grabe lang magkasakit itong si Ken. Grabe lang talaga, sakripisyo kumbaga. Nakatakip pa siya ng comforter para hindi malamigan! Sobrang nanginginig kasi siya kanina na para bang ewan. May utang na malaki talaga ito sa akin. Sinukahan ba naman ako?! F l a s h b a c k "Hoy kapal moks! Kumain ka muna, kailangan mo munang kumain," sabi ko sa kaniya habang tinatapik ang mainit niyang pisnge. Ipinagluto ko kasi siya ng mushroom soup. "Hmmm..." Ungol niya nanaman, kanina pa ito ah, masyado na tuloy akong nababastusan sa kaniya. "Kainis ka! Bumangon ka muna dyan pwede? Ako na nga itong nagmamagandang loob e!" Minulat niya na ang kanyang mata. His half eyes are open. Talagang hinang-hina siya. Ganito pala talaga magkasakit ang mga kapal moks. Dahan-dahan siyang umupo sa kinahihig

