Sam's POV Humiga ako sa aking kama na may ngiti sa labi. Paano ba naman? Iyong mukha ni Ken parang takot na takot sa akin kanina doon sa mall. Para siyang natatae or what? Pinipigilan ko lang ang tawa ko that time e, napaisip tuloy ako, ngayon pa nga lang nakita ko na siyang takot sa akin paano pa kaya kapag nakilala niya na talaga ang tunay kong pagkatao? Ganoon pala dapat ang gagawin ko tuwing magbabalak siyang magnakaw ng halik sa akin. Ngayon lang sumagi sa isipan ko na paano na kung kailangan ko ng tigilan itong pagpapanggap ko. Maiintindihan kaya nila ako? Lalo na si kuya? My parents? I don't mind them, they dont mind me too right? Hindi nga nila alam na gangster kami ni kuya. Tatakas pa ako bukas para pumunta sa hideout namin. Ano naman kayang binabalak ng bad system at nagha

