Lihim na napangiwi si Rowella habang pinapanood ang ina niya kung paano nito estemahin si Quintin. Ang unico ijo ng bestfriend nitong si Nerissa. VIP treatment ang binata at parang isang royal prince na pinagsisilbihan nito. Walang humpay ang pag-abot nito ng mga pagkain rito. Dumating nga ang dalaga sa kaarawan ng kapatid niyang si Charmie ngunit hindi natupad ang hiling ng ina na isama niya ang boyfriend. Sinabi niya rito na nagkaroon ng emergency kaya kinailangan nitong umuwi ng Iloilo. Hindi ito nakitaan ng dissappointment sa halip ay tila ikinatuwa pa nga ang nangyari. Syempre ay upang maituloy nito ang balak na ereto siya sa bisita nilang si Quintin. Magandang lalaki si Quintin. Matangkad, mestizo, matikas ang pangangatawan at may makalaglag panty na ngiti. Boy next door lang ang p

