33 bawal "Hay. Magbabanyo muna ako ok," paalam ko sa lalaki. "Sige na nga." Pagbalik ko ay inumpisahan nanaman nitong romansahin ako. Di rin naman ako makatanggi dahil bumalik ulit ang nararamdaman kong pagnanasa. Magaling talaga sya sa larangang ito at sana nga ay ako na lang ang babae sa buhay niya. Dalawang linggo na kami lang ang magkasama ni Rome sa mansion na iyon. Masaya syang kasama at para akong prinsesa. Nilulutuan niya ako palagi at hindi rin naman ako nagpatalo dahil kahit ayaw niya ay pinagluluto ko rin naman sya para hindi sya laging mapagod. Masarap din naman akong magluto kahit papaano. Sabi yun nina mommy at daddy. Pati rin si Cathy ay nasasarapan sa luto ko kaya kahit papaano ay may alam din ako sa pagluluto. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay walang palya ang as

