Kinatatakutan KINABUKASAX ay masakit na masakit ang buong katawan ni Milencio. Minasahe na siya ni Luisa gamit ang langis para sa pananakit ng kalamnan ay hindi pa rin nabawasan man lang ang sakit na kanyang nararamdaman. Pinainom na rin siya nito ng gamot pero hindi pa rin tumatalab. Pakiramdam niya ay nakipagbugbugan siya sa isang talaksang sanggano. O, nakulata ng mga bantay sa kulungang pinanggalingan. Hindi niya halos maiangat ang mga braso. Pakiwari niya'y may mga bag ng sementong nakapatong sa mga iyon. Hula niya'y lalagnatin siya sa pagkabigla ng katawan sa trabahong napasukan. Hindi tuloy maiwasan na mapangiwi ang mukha niya sa iniindang sakit. Kapag nasa malapit at matatanaw ni Luisa ay hindi siya nagpapahalata. Ayaw niyang panghinaan ito ng loob. Nakikipagbiruan siya at tumataw

