"Sana hindi ka na nagpaiwan," ani Sea ng umalis na ang dalawang helicopter dala ang ilang maleta niya na pinauna na niya sa ama, nag decide siyang mag paiwan muna sandali bilang pag galang at pag respeto sa mga pagkamatay ng dalawang taong natitirang pundasyon ng Hacienda. Ngayon parehas ng wala ang dalawa ano ng mangyayari sa dalawang hacienda, dumagdag pa sa isipin niya ang misteryosong pagkawala ng ina at kung sino ang kumuha rito. Ngunit na nanalangin siya na sana si Storm ang nakakuha sa ina niya para kahit papaano kampante siya. "Kala mo ba gusto kong mag paiwan? Pagod na ako Chelsea dyan sa takbo ng utak mo na hindi ko na maintindihan." galit na angal ni Storm na nauna pang tumalikod ng maka alis na ang helicopter palayo sa kanila. "Kaya nga bakit ka pa nag paiwan dapat hinayaan m

