"At last gising ka na din, ang tagal mo naman gumising." wika ni Ronnie na pumasok na may dalang pagkain na naupo sa sa tabi niya. Nanlalabo pa ang mata niya at kumikirot pa rin sa hapdi, dahil sa inispray nito sa kanya kaninang umaga ng mag doorbell ito. Ayaw sana niya itong pagbuksan ng pinto dahil wala si Storm. Napilitan na lang siya dahil may ibibigay lang daw ito sa kanya bago ito umalis pabalik ng Mindoro kaya napilitan na siyang bukasan. Ngunit pag bukas na pag bukas niya meron na itong inispray sa mata niya na sobrang hapdi at hindi siya makahinga. Kasunod nun may ipinukpok ito sa ulo niya dahilan para tuluyan na siyang nawalan ng malay. "Nagugutom ka na ba? Kailangan mo munang kumain bago kita gawin pataba sa taniman ng bulaklak ko." wika pa nito na kinuha ang plato na may kani

