Tinutuktok ni Sea ang ballpen sa ibabaw ng table niya habang busy ang isip niya sa isang bagay habang nakatingin siya sa labas ng glass wall niyang window type lang ang laki. Mula sa table niya tanaw niya si Storm na prenteng naka-upo sa labas nakatingin sa phone nito na parang may pinapanood. Usual sa sobrang sama ng loob niya kay Blue kagabi dinaan nanaman niya sa alak ang inis niya pero pag gising niya kaninang umaga, ang favorite niyang sexy lingerie ang suot niya wala siyang bra pero suot naman niya ang g-string panty na katerno ng lingerie.
Kung si Storm ang nag palit sa kanya ano kaya ano kaya ang reaction nito, ang kanya lang naman sana bihisan man lang siya nito kapag nalalasing hindi yung basta nalang iiwan, pero hindi naman niya inaasahan na literal siyang bibihisan kasama pa ang underwear. Ibig sabihin lang nun nakita na nito ang buong katawan niya parang ang unfair lang samantalang siya hanggang imagination lang sa katawan nito.
Mabilis pa siyang napayuko na kunwari busy sa papeles na nasa ibabaw ng table niya ng biglang nagtaas ng tingin si Storm at tumingin sa gawi niya. Na ikinakunot ng noo niya at ikinasalubong ng kilay niya bakit ba bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil ba nakita na nito ang katawan niya.
"HALA SIYAAAA! SELF, ANO BA TALAGAAA?! Kapag di ka inintindi, nagagalit ka! Pero ngayoooon, inintindi ka na, nag-iinarte ka pa rin?!LIKE, EXCUSE ME?! Gusto mo ba ng confetti, fireworks, at red carpet habang nag-e-emote ka?! Jusko, self, Jusko, make up your mind, ghorl like duhh.." kausap pa ni Sea sa sarili na parang pinapagalitan ang sarili.
Napataas naman ang tingin ni Sea ng marinig ang pagkatok sa pinto kasunod ang pag pasok ni Storm sa office niya na nakapamulsa na lumapit sa table.
"Spill it out! Anong problema mo, kala mo ba hindi kita napapansin kanina pa kita na pupuna. Sabihin mo na bago ka pa masiraan ng ulo sa pakikipag meeting sa sarili mo." tumikwas naman ang nguso ni Sea na nag flipped ng buhok na may pag pikit pa na umirap rito.
"Tinitigan mo ba?" tanong ni Sea,
"Ang alin?"
"Yung ano... yung ano ko?"
"Ano nga?"
"OH-EM-GEEEE! Yung Pearly Shell ko, ha! Kunwari pa tong inosente!HELLOOO?! Like, I KNOW YOU KNOW! Ugh, so kainis! Kunwari pa talagang clueless?!LIKE, HELLOOO?! tarak ang matang wika ni Sea.
"Anong gagawin mo kung nakita ko, magagalit ka mag susubong ka nanaman sa parents mo na ni rap*d kita o baka sabihin mo nanaman buntis ka at ako ang ama?" kung nakakamatay lang ang tingin ni Sea baka kanina pa si Storm bumulagta. Noon kasi ng nagalit ito at saniban ng kagagahan muntik na siyang hindi maka balik sa army dahil pinahold siya ng Ninong Sevy niya. Dahil sinabi ni Sea na pinuwersa daw niya ito at buntis ito na talaga naman kulang isilid niya ito sa duffle bag at iligaw sa Pakistan sa sobrang inis niya rito. Dahil lang isinumbong niya ito noon ng aksidente niya itong makita sa isang pub house at nag po-pole dancing na para bang tuwang-tuwa pa ito na nagkakagulo ang mga kalalakihan.
"GEEEE!!! Alam mo, ha?!Sobrang nakakapikon ka, as in, to the highest level! Like, HELLOOO?!This body?!" turo ni Sea sa katawan na tumayo para ituro ang ulo hanggang paa.
"THIS MASTERPIECE?!Exclusive lang ‘to for the man na pakakasalan akooo!Not just for anyone na trip lang makasilip ng Pearly Shell ko!EXCUSE ME?!I AM A LIMITED EDITION! Ugh, so iritaaaa!" ani Sea na humalukipkip na bumagsak ng upo sa swivel chair niya. Natawa naman si Storm na napailing.
"Ganun pala e bakit gusto mong gawin feminine wash ang laway ko?" pang-aasar naman ni Storm na ikina-awang ng bibig ni Sea na natuptop ang bibig. Na aalala niya ang sinabing yung pero akala niya panaginip lang niya yun pala tunay niyang sinabi yun kay Storm. Nag mamadaling tumayo si Sea at nag mamadaling hinila sa manggas ng damit nito at pinag tulakan lumabas ng office niya saka nag mamadaling ini-lock at tinakbo ang maliit na remote para isarado ang mga glasswall ng office niya saka nag mamadali din binuksan ang music sa laptop niya saka tumakbo sa loob ng restroom ng office niya sabay sigaw ng malakas.
"OH-MY-GOOOOSH!!! LORD, KUNIN MO NAAAA AKO RIGHT THIS VERY MOMENT!!! Like, I SWEAR, THIS IS THE MOST HUMILIATING, MOST TRAGIC, MOST LIFE-RUINING MOMENT EVERRR!!! " Tili pa ni Sea na nakataas ang dalawang braso sa kisame ng banyo.
"AS IN, GUSTO KO NANG MA-EVAPORATE, MAG-DISSOLVE, AT MAWALA SA HISTORY NG HUMANITYYYY!!! Jusko, gusto ko nang maglaho, matunaw, sumabog, at maging alabok na lang sa universe!BAKIT AKO, LORD?! BAKIT?!HUHUHUHU!!! Somebody please dig me a hole so I can disappear dramaticallyyy!!!I CANNOT HANDLE THISSS!!!UGH, THE SHAMEEEE!!!" napasabunot pa si Sea sa sariling buhok.
Napangiti naman si Storm na nakatingin sa office ni Sea, sa sobrang lakas ng tili nito narinig pa rin nila at napatingin ang mga staff nitong nasa labas lang ng office nito.
"Anong nangyari kay ma'am Sea?" tanong ni Gen.
"Hayaan mo na dumating lang ang buwanan dalaw siguro." sagot na lang ni Storm na bumalik na sa couch at napapangiting naupo.
-
-
-
-
-
-
-
-
Pabagsak na nahiga si Sea sa kama niya na parang nanghihina ang buong katawan niya. Bago parang na kukuryenteng na ngisay sa gitna ng kama niya. Hindi siya maka move on sa sinabi ni Storm, lalo pa at na aalala niya ng malinaw ang mga pinag sasabi niya. Buong akala niya panaginip lang ang lahat ng alala niyang iyon yun pala totoong pinag sasbi niya. Hindi siya ganun ka vulgar na babae, hindi siya iyon. Isa siyang edukada, sophistikada, eleganteng babae na kahit kelan hindi mag sasalita ng ganun mga bagay pero nagawa niyang sabihin ang mga iyon at kay Storm pa talaga. Hindi nga niya magawang ipilit ang sarili rito kahit sobrang gusto niya ito noon pa pero wala siyang ginagawa dahil mas mabuti pang mamatay na lang siya kesa ipag siksikan ang sarili sa lalaking ayaw naman sa kanya.
Pero heto at nakita na nito ang katawan niya tapos kapag nalalasing pala siya kung ano-ano ang pinag sasabi niya. Na niniwala pa naman siya na ang taong lasing ay mas totoo ang sinasabi kesa sa taong walang alak na magaling mag sinungaling. Huminga ng malalim si Sea na bumangon kakausapin niya ang parents niya. Ipapaalis niya si Storm bilang bodyguard niya dahil hindi na talaga niya kayang humarap rito. Kanina pahirapan bago pa siya makatakas rito talagang naki-usap pa siya sa waiter ng resto na pinuntahan nila para sa huling meeting niya para sa back exit dumaan.
Hindi na siya naka trabaho ng ayos sa kakaisip ng ginagawa niya at sa tuwing nasa biyahe naman sila naka pikit siya palagi at ipinaramdam na ayaw niya ng kausap buti na lang hindi naman nito ipinilit na kausapin siya. Kaya kahit papaano nakatawid siya ng isang araw pero paano bukas. Agad na siyang lumabas ng kuwarto niya para puntahan ang magulang niya, hindi siya umuwi sa condo niya dahil baka awayin pa siya ni Storm dahil tumakas siya.
Muntik pa siyang mahulog sa hagdan sa pag baba sa lakas ng preno ng paa niya ng matanaw si Storm na lumabas mula sa library office ang ama niya. Kasunod ang parents niya na inihatid ng tanaw ang binatang magalang na nag paalam sa parents niya. Tumalikod naman na muli ang parents niya na bumalik sa office ng mga ito kaya naman ng matiyak na wala na si Storm mabilis na ulit siyang bumaba at kakatok na sana sa office ng ama ng matigilan sa narinig na usapan ng parents niya. Napa atras na napabagsak pa siya ng upo sa sahig habang parang huminto ang ikot ng mundo niya habang naririnig niya ang usapan ng magulang niya. Bahagyang nakabukas ang pinto na di siguro napansin ng ina na hindi lumapat ang sarado ng pinto ng huli itong pumasok. Ang lakas pa ng boses ng ina na nagagalit at sinabi pa nito na hindi ito papayag kahit pa daw magkaubusan ng lahi at ikamatay nito hindi ito papayag na ibigay siya sa tunay niyang pamilya.
Hindi pala siya tunay na anak ng mga kinikilala niyang magulang, hindi pala niya sarili pamilya ang kinagisnan niya. Kung ganun sino siya at nasaan ang pamilya niya.