"Ano ba buksan mo ang gate, Buds." sigaw ni Skyler sa Smart doorbell na may two-way video and audio. Kanina pa sila sa labas ng gate ng bahay ng mga Montenegro kung saan nakatira si Railey at Megan pero ayaw silang pag bukasan ng kaibigan. Ganun din ang guard na ayaw man lang sila labasin. "Umalis kayo dito marami na akong problema talo-talo muna." sagot naman ni Railey sa smart speaker. "Ano ba para naman tayong hindi magkaibigan e." "Magkalimutan muna tayo. Malakas ang toyo ni Menggay ngayon baka madamay pa ako at mapalayas din." "Siya pautang na lang kahit pang taxi." "Isesend ko na lang sa'yo umalis ka na diyan." "Wala akong cellphone." "Anong wala kang cellphone?" takang tanong ni Railey. "Tinangay ni Cleo, kasalanan kasi ng ugok na to." turo pa ni Skyler sa anak na katabi.

