Episode 3- Shoe designer

1335 Words
"Ma'am for today's report we've completed the concept for the mall fashion week," wika ni Genalyn habang binabasa ang daily agenda ng amo na si Chelsea na isang kilalang shoe designer ng bansa na ngayon ay nagiging matunog na din sa ibang bansa ang pangalan niya. Siya si Chelsea not an E but an A it's Chelze-A, away niya ng basta ordinary lang na Chelsea gusto niya unique tulad ng mga shoe design na mga ginagawa niya na talaga naman ginagawa na ng ibang collection dahil sa sobrang creativities niya, ang lakas daw naka fairytale shoes ng mga design niya, para daw mga fairy ang mga babaeng mag susuot ng mga sapatos at sandals na ginagawa nila. At s'yempre ang brand na Chelze-A kilala na sa buong Pilipinas at sa iba't-ibang panig ng mundo, hindi man buong mundo at least sikat pa rin international at soon titiyakin niya na makikilala na siya sa buong mundo. "There's a TV interview with Ms. Sachez in 15 minutes about the sponsorship." napahinto naman sa paglalakad si Sea saka masama ang tingin na nilingon si Storm na as usual nakabuntot sa kanya hanggang sa office niya like he always do. At s'yempre utos iyon ng mommy niya. Narinig pa niya sa usapan ng mga ito ng nakaraan wag daw nitong hahayaan na may makalapit sa kanya na walang appointment at lalo higit kapag mga taga probinsya. Sa totoo lang hindi naman niya kailangan ng bodyguard pero ewan ba niya sa parents niya bigla na lang nag decide na magkaroon ng bodyguard. Akala niya porket sinabi lang niya sa mga ito na kung magkakabodyguard siya gusto niya si Storm, alam kasi ng mga ito na may crush siya kay Storm bata pa lang siya kaya bigla kinuha at pinaki-usapan ng mga ito si Storm na bantayan siya. Since nag resign na ito sa trabaho dahil ayaw na nitong pinag-alala ang Ninang Cleo na ina nito. Nakakapag taka lang ang mga bilin rito ng ina at ganun din ng ama na ewan niya kung ano bang hugot sa buhay kung bakit bigla siyang pinabantayan. Akala niya noon dahil pasaway lang siya dahil mahilig siya sa party at night life kaya siya pinababantayan ng mga ito. Dahil magagah*sa daw siya sa pagiging lasengga niya pero in the end malalaman niya meron specific na dahilan pala nakaka curious lang kung bakit? sino kaya kaya ang ayaw ng mga itong palapitin sa kanya. "Oh, you can totally go home early today, okay? I’m riding with Blue later anyway, so no worries!" ani Sea na panay nanaman ang pilantik ng kamay at daliri nito. "As in, don’t worry at all, promise! I’m literally not even stepping out of the office... so I'm super safe here, wala kang dapat ikabahala! Go na, before I change my mind and make you stay!" taboy pa ni Sea sa binata na hindi man lang kumibo hahakbang na sana muli si Sea patungo sa office niya ng huminto ng mapansin ang isang empleyado niya kaya nilapitan niya ito sa mesa nito sabay katok sa table. "Why are all these sketches lying here?" tukoy niya sa mga sketches pad na nakakalat sa ibabaw ng table nito. "I'm so sorry ma'am, I'm just organizing all my staff." wika pa nito. "Clean up this mess, I don't want my design got exposed maliciously." wika pa ni Sea na tumuloy na sa paglalakad. "And ma'am by the way Alfredo called you 5 times." "Ignore!" sagot lang niya Alfredo is someone na feeling boyfriend porket minsan siyang pumayag na makipag date rito at sa first date nila na halikan agad siya nito buti na lang sa pisngi dahil naka-ilag siya kundi baka idemanda niya ito ng ra*e agad at pahahatulan niya ng reclusion perpetua dahil meron kasi siyang sinumpaan na pangako na ang lalaking makakahalik sa labi niya ay ang lalaking magiging ama ng anak niya. Kaya kung mag papahalik siya sa labi titiyakin niyang mabubuntis na din siya. "And please, Gen, be a darling and get me a coffee... And not just any coffee, okay? I need something so violently strong na kaya niyang burahin lahat ng kahapon! As in, poof! Gone! Wiped out! ughhh." wika pa ni Sea na kulang na lang maging puti na ang lahat ng eyeballs niya. "Kasi, like, excuse me, may isang lalaking walang-hiya na akala mo kung sino—just left me there, like garbage, all dirty and baho! Ugh, the disrespect! The AUDACITY!" dalawang kamay na ang tumitikwas kay Sea na nilingon si Storm na parang deadma lang ito hanggang North Korea sa mga tinginan nito sa kanya. "I swear, if this coffee doesn’t make me forget his existence, baka I’ll have to book a first-class flight to anywhere far, far away! So, make it extra strong, make it expensive, and make sure it screams I AM UNBOTHERED!" Napangiwi naman si Gen na napalingon kay Storm na nag kibit balikat lang. "Kaya, please, make that coffee extra strong, baka sakaling malunod na rin ang feelings ko!" dugtong pa ni Sea sabay pasok na sa sariling office niya. "Ano nanaman ba ginawa mo kay ma'am at sumasakit nanaman ang tenga ko sa pilipit niyang dila na parang nakukuryente." bulong ni Gen na nilingon si Storm. "I don't know sinunod ko naman ang utos niya kagabi." makahulugan na sagot ni Storm na tumalikod na nag paalam na pupunta lang siya sa pantry para mag breakfast. - - - - - - - "Nanliligaw ka ba kay Chelsea?" tanong ni Storm ng dumating si Blue sa office ni Sea para sunduin ang dalagang nasa meeting pa hanggang ngayon na mukhang nalimutan na may date ito kay Blue. "Bakit gusto mo ba akong pigilan if ever?" ngisi ni Blue sa kaibigan. "Ang sarap mo lang balasahin ng paulit-ulit. Ang gulo na nga ng buhay mo dahil sa mga kasong hawak mo, tapos kukuha ka pa ng babaeng daig pa ang tumador sa kanto kung mag-inom at babaeng may sariling alphebet." natawa naman si Blue sa sinabi ni Storm. "Hahaha! Ikaw naman masyado kang magagalitin Stormy." biro pa ni Blue na ginaya ang pagtawag ni Sea sa kaibigan. "It's Storm! Not a Y nor an E," nandidilat na wika ni Storm sabay iling. "Pero kidding aside, I really like Sea. When I'm with her, my worries lessen. She makes me calm—the kind that makes you just laugh while listening to her... She's so dramatic, but in a way that's amusing and not annoying. A kind of classy yet quirky vibe that I can't even explain." umasim naman ang mukha ni Storm na umiwas ng tingin sa kaibigan na natatawa na bahagya pa siyang sinuntok sa balikat. "Kumuha ka na ng life insurance." wika pa ni Storm. "Bakit itutumba mo na ba ako?" tawang tanong ni Blue. "Papanaw ka ng maaga kapag pinag patuloy mo pa ang ganyang mindset." "Bakit naman?" "Saan ka nakakita ng babae, kung magsalita parang kinukuryente, yung mga vowels niya parang kadenang binabatak. Like hello! Nakakairita na kaya, parang gusto ko ng mawala sa earth." wika pa ni Storm na pilit ginagawa si Sea sa kaartehan nito kaya nagtawanan pa silang dalawa. "You're wrong! You should do it like this if you're going to imitate me." wika ni Chelsea na ikinalingon nilang dalawa na napahinto sa pagtawa. "Like, helloooo?! Nakakairita na, okay?! As in, I cannot anymore! Parang gusto ko na lang, like, disappear—as in, wala na, gone with the wind fabulous! Like, poof! GONE! Disappear! No trace! Jusko, baka magpa-book na lang ako ng first-class flight to Paris, tapos kain na lang ng croissant sa ilalim ng Eiffel Tower while crying ugh!—pero in a sosyal way, ha! Kasi, ugh, the stress, the drama, the injustice! Someone, please, get me a drink—or a new life!" nagkatinginan pa si Blue at Storm sa iksi ng sinabi niya napakaha pala ng meaning nun pag si Sea ang nag salita dalagang parang hindi ito na uubusan ng alphabet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD