Gustong sumimangot ni Sea, habang nag bubulungan ang mga babae na tulad niya nag iikot din sa mini shop ng hacienda na maraming tinitinda na kung ano-anong delicacy at marami pang iba. Papunta sila sa beach ni Storm at nakita lang niya ang mini shop na iyon para bumili sana ng tan lotion dahil wala siyang ganun dala. Gusto sana niyang pumunta na mag-isa sa beach pero hindi pumayag si Storm. Kung nasaan daw siya kailangan daw nandun ito iyon daw ang bilin ng parents niya. Hindi na siya pumunta ng ancestral house para dun mag breakfast hindi din naman n'ya kayang lunukin ang pagkain na inihahain ng mga ito at tiyak na pag tutulungan nanaman siya ng mag-iina dahil sa ginawa niya sa party ni Gilberto. Wala siyang lakas na maging bratinela ngayon araw. Ang gusto lang sana niya tahimik na mund

