Storm... Patawad... Patawad kung hindi ko na kayang ituloy ‘to... Kung hindi ko na kayang magpatuloy sa atin. Alam kong nasaktan kita, pero hindi ko na kayang magpanggap na okay lang... Hindi ko na kayang magtago pa sa sarili ko. Mabilis na ini-off ni Storm ang voice recorded na hawak na pasimpleng inabot sa kanya ni Blue sa airport. Kanina pa niya hawak iyon pero hindi niya magawang pakinggan. Na ikot na ang paningin niya sa kalasingan pero wala pa rin siyang lakas ng loob na pakinggan yun. Kung hindi pa sila nakutusan ng Nanay nila kanina hindi pa sila titigil sa pag-iinom. Ang Kuya Cloud nila sinundo na ng hipag na si Yumi si Thunder naman kinaladkad na ng nanay nila dahil gusto ng kapatid niyang idisect ang alagang pusang kasama nito. Habang siya naman ay naki-usap sa magulang nila

