Queen Remojiin POV
I woke up feeling light headed, siguro isa lang ito sa mga umagang payapa ang aking paggising. Kadalasan kasi magigising na lang ako dahil sa masamang panaginip na yon.
Bumangon na ako sa kama upang pumunta sa banyo, insakto namang tumunog ang cellphone ko.
Danica is calling. . .
Danica is my best friend since birth, at sya lang din ang natatanging kaibigang meron ako.
"Yeah ?!" bungad ko dito.
"You ready ?" tanong nito.
"No ?" patanong kong tanong dito.
"What the heck Remojiin, it's 7 am in the morning na kaya !" Minsan talaga may pagka oa talaga tong kaibigan ko.
"So what Dani ? It's only the first day of school, wag kang oa ." Saad ko dito.
Narinig ko pang umangil ito sa kabilang linya . Sinong natatakot ma late sa unang araw ng school ?! Tch!.
"Okay, okay . . Why don't you come here tas antayin mo nalang ako sa baba ?!"
"Okidokie."sagot nito tapos pinatay na ang tawag.
Magkatabi lang naman kasi mga bahay namin, kaya sigurado akong nasa ibaba na sya ngayon.
Tumayo na ulit ako at pumunta na sa banyo para maligo.
And after 30 minutes, ready to go na ako, bumaba na ako, nakita ko pang kausap ni Dani ang magaling kong ina .
"Let's go Dani ." tuloy-tuloy akong naglakad palabas .
"Queen kumain ka muna anak ." yaya ni Sophia.
Tumigil naman ako sa paglalakad.
"Pwede ba, wag mong sirain ang umaga ko, pwede namang dyan kalang at wag ng magsalita para walang gulo." walang emosyong saad ko rito.
Agad namang lumapit sakin si Dani at hinila ako palabas.
"Parang sobra naman ata yon Remojiin, inaya kalang kumain ehh." si Dani .
Tiningnan ko sya ng masama. "Kinakampihan mo sya ? Then go ,magsama kayong dalawa."
Pumasok na ako sa kotse, pumasok din naman agad si Dani sa kabila.
"Hindi naman sa ganoon Jiin, pero Mama mo parin sya ehh."
Pinaandar ko nalang ang kotse at hindi nalang umimik.
"Hindi mo pa rin ba sya napapatawad? Nasasaktan ka pa rin ba ? Gaano ba kahirap sayo------
"Danica kong gusto mong maging okay tayo tumahimik ka na lang please!!" tinaasan ko sya ng boses.
Tumahimik naman ito at napa buntong hininga na lang.
"I'm sorry. . Naaawa lang kasi ako kay Tita eh ."
Tiningnan ko lang sya, at muling binalik ang atensyon sa daan . Halos 20 minutes lang naman ang byahe papunta sa school na pagmamay-ari ng pamilya ni Dada.
Nasa second year college na kami ni Danica, taking up Business Administration, wala din naman akong ibang choice kundi ito ang kunin kasi ako lang din naman ang magmamana ng lahat ng naiwan ni Dada.
"Don't you ever bring those conversations again Danica ." saad ko dito bago bumaba ng sasakyan.
"Oo na ! Kaw naman palagi ang masusunod eh ." nakanguso pang sagot nito .
"Bakit? May angal ka ?"
"Wala ah !"medyo tumaas pa ang boses nito .
"Good ."
Sabay na kaming lumakad papasok sa campus. And as usual all eyes on us. Na mas lalong nagpaparindi sa akin. Hindi ko kasi gusto ng atensyon, gusto ko lang ng tahimik, gusto ko lang ng payapa. Alam kasi ng lahat na Isa ako sa nag mamay-ari ng paaralan kaya ang gusto kong tahimik at payapang pag aaral ay hindi ko makuha-kuha.
"Good morning Miss De La Merced ."
"Morning Remojiin."
"Magandang umaga Jiin."
"Morning Queen ."
Sabay-sabay pang bati ng mga studyanting nararaanan namin . At ni isang tugon mula sa akin ay hindi ko sila sinuklian. Bakit? Sino ba sila para pagsayangan ko ng laway?.
"Morning sa inyo ." si Danica naman ang sumasagot sa lahat ng bumabati.
"Stop that Danica."saway ko rito.
"Bakit ba . . Hindi mo sila sinasagot eh, kaya ako nalang ."
Patuloy pa rin sya sa pagbati hanggang sa makarating kami sa first subject namin. Si Danica na ang nagbukas ng pinto, pumasok naman agad kami. . At ang kaninang sobrang ingay na classroom ay bigla na lang tumahimik ng makita nila ako.
Isa-isa ko pa silang tiningnan bago tumungo sa pinakalikod na upuan. Sa sobrang tahimik tunog lang ng takong ng sapatos ko ang naririnig hanggang sa tuluyan na kaming nakaupo . Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ng mga kaklaseng nadaanan ko.
"Wala ka talagang kakupas-kupas jiin, takot silang lahat sayo eh ." napahagikgik pa ito.
"It's my school. . I rule ."saad ko rito na nagpatawa naman sa isa. . Malakas iyon kaya lahat ng atensyon napunta sa aming dalawa.
"What ?!" walang emosyon kong tanong sa lahat . Dali-dali naman silang nag-iwas ng tingin.
"All hail the Queen ." yumokod pa ito sa harapan ko .
"Baliw ."
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang teacher namin and the rest is history . . .
Arrghhh !! First day of school sucks !!
--------------------