The Coming Of A Great War

1839 Words

Matapos bigkasin ni Azrael ang orasyon ay kusang bumukas ang Ellora. Walang anumang tumawid sa lagusan si Pashnar. Pagtapak ng mga paa ng usa sa lupa ay agad siyang tumalon mula rito. “Prinsipe Azrael,” wika ni heneral Zadkiel nang makita siya. Agad itong lumapit sa kaniya. “Narito ang prinsipe ng mga dalaketnon at ang kanilang heneral. Nais nilang makipag-usap tungkol sa babaeng taga-lupa.” Mula sa malaking hukbo ng mga dalaketnon ay lumitaw si Yurik. Taglay nito ang tunay nitong kaanyuan. Matangkad at payat na katawan, mahahabang braso, binti at mga daliri, itim at mabalahibong balat, mahabang buhok, puting mga mata at nakakatakot na mukha. Nasa likuran nito ang isa pang dalaketnon na pamilyar sa kaniya, si heneral Maalik. Kung ilang beses na rin niya itong nakaharap sa mga labanan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD