The Kingdom In Terra Incognita

2377 Words

Paglapag ni Pashnar sa harap ng kaharian ay inalalayan siya ni Azrael na makababa. Isang batang lalaking Piritay ang agad na lumapit sa kanila at buong galang na bumati. Kulay pula rin ang balat nito. Sa tantiya ni Jewel ay nasa lima o anim na taon ito kung ito ay isang tao. Lihim niyang inihanda ang sarili sa malaking posibilidad na makasalamuha ngayon ang mas marami pang kalahi ni Azrael. Kahit bahagya pa ring natatakot sa itsura ng mga nilalang na ito ay mas pinili niyang lakasan pa ang loob dahil alam niyang narito na siya sa kakaibang mundo sa ayaw man o sa gusto niya. “Maligayang pagbabalik, mahal na prinsipe Azrael.” Bahagya pang yumukod ang batang piritay tanda ng paggalang. “Salamat, Kael.” Magiliw na hinaplos ni Azrael ang ulo ng batang Piritay. Tumingin sa kanya si Kael pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD