Sakay ni Pashnar ay pinangunahan ni Azrael at heneral Zadkiel ang mga mandirigma ng buong Terra Incognita. Nakarating na sa kaniya na binuksan ni Elyana ang Ellora upang maibigay sa mga dalaketnon si Jewel at ngayon ay nangangamba siyang makapasok ang mga kaaway sa kanilang kaharian. At hindi nga siya nagkamali. Mula sa himpapawid ay kitang-kita niya ang paglusob ng napakaraming dalaketnon. Ito ang pinakamaraming dalaketnon na nakita niya sa buong buhay niya. “Napakalaki ng puwersa nila, Azrael,” wika ni heneral Zadkiel na kaagapay niya habang sakay sa isang malaking armadillo. “Alam ko,” tugon niya. “Pero alam mong isang daang dalaketnon ang kayang patumbahin ng isang piritay sa labanan.” “Tama ka. Pero kulang ang ating mga mandirigma. Halos ikatlo ng kanilang bilang ay may karamdama

