Kinabukasan ay nagpatawag ng isang pagpupulong ang hari. Kabilang sina Azrael at Zadkiel sa mga inimbitahan na dumalo sa nasabing pagpupulong. Tahimik lamang silang dalawa ni Zadkiel habang minamasdan ang hindi nagkakaunawaang mga miyembro ng konseho. Malalakas na ang tinig ng mga ito palatandaan ng hindi pagkakasundo ng mga opinyon. “Paumanhin, mahal na hari. Ngunit tama po ba ang aming narinig? Pansamantalang mananatili sa Terra Incognita ang taga-lupa hanggang hindi nililipol ni Magaul ang mga dalaketnon?” nag-aalalang tanong ng isang matandang piritay. “Bakit tila napakabilis ng pagbabago ng iyong pasya, mahal na hari?” tanong naman ng isang babaeng piritay. “Kahapon lamang ay napagkasunduan nating ibalik sa kanilang daigdig ang mortal na iyon?” Malalim na napabuntong-hininga si

