CHAPTER 5

520 Words
KASALUKUYAN akong namamahinga ng may kumatok sa kwarto na tinutuluyan ko dito sa bahay ni Aldrich. "Pasok, bukas yan." Bumukas ang pintuan at sumilip doon si Aldrich, dahilan para mapabalikwas ako sa pagkakahiga. "S–sir." "Out of this room, help manang. She wait for you." "O-okay Sir." Inayos ko yung sarili ko bago lumabas ng House maid. Nilapitan ko si Nanay na mukhang hinihintay talaga ako. "Wh–Ano pong maitutulong ko, Manang?" "Tulungan mo akong mamalengke, Hija. Wala si Orni para tulungan ako." "P–po?" "Bakit, Hija?" "W–wala naman po, Manang. Hintayin niyo na lang po ako, magbibihis lang po ako." Tumingin ito sa suot ko. "Huwag ka ng magpalit, maayos naman iyang suot mo. Bestidang puti." "Sigurado po kayo?" Tumango ito. "Tara na." Anyaya nito. Sumunod ako sa kaniya ng makarating kami sa Public Market. Napangiwi ako tuwing naglalakad kami, ang putik at ang lansa pa ng amoy. "Okay ka lang, Hija?" Ngumiti ako. "Okay lang po ako, Nay." "Sigurado ka?" "Opo, Nay. Medyo naninibago lang po ako." Mahinang saad ko sa panghuling sinabi ko. "Ano 'yon?" Umiling ako. "Wala po." Tahimik lang ako habang sumusunod sa kaniya tuwing may binibili kami. Halos ikutin na yata namin itong Public Market. Nang maibili na naming ang lahat ay tinulungan ko si Nanay sa pagbibitbit. Now I know what is the feeling of being a maid. Pagkarating namin sa bahay ni Aldrich ay dinala namin yung mga pinamili namin sa Kitchen. "Hija, ilabas mo yung sayote at giniling na baboy. Tapos hiwain mo yung sayote pati bawang ay hiwain mo." Tumango ako at sinunod ang utos ni Manang. Sumakto naman na pumasok sa Kitchen Area si Aldrich. Mukhang kukuha ito ng tubig. Sinimulan ko ng hiwain yung sayote, hindi ko namalayan na nasagi ang darili ko dahilan para dumugo ito. "N–nay." Namumutla kong tawag sa ginang. "Bakit?" "D–dugo." Natatakot na sabi ko. Mabilis naman na lumapit si Nanay sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "Be careful, Teresita." Pangaral naman ni Aldrich na ngayon ay nakalapit din pala sa kinaroroonan ko. Halos parang tinakasan ako ng hininga dahil sa nangyari. Bigla na lang nangdilim ang paningin ko, ang huling naalala ko na lang ay bumagsak ako bago ako mawalan ng malay. ALDRICH "f**k!"Iyon na lang ang nasabi ko matapos kong saluhin si Teresita. Binuhat ko siya at dinala sa Living area. Dahan-dahan ko siyang hiniga sa sofa. Lumapit naman si Manang na may dalang band-aid at nilagay iyon sa daliri ni Teresita. "Naku! Hindi kasi nag-iingat." Saad ni Manang. "She's afraid of blood." Naiiling na sabi ko at napatingin kay Teresita na hanggang ngayon ay walang malay. "Buhatin mo siya ulit, Aldrich. Dalhin mo sa silid niya para makapagpahinga." Sumunod na lang ako at binuhat si Teresita. Habang buhat ko siya, I can't help but to stare her face, ever since she work in this house I secretly stare at her. One thing is she look familiar to me. Ihiniga ko siya sa kama niya. Tinitigan ko siya ng ilan segundo, "Be careful next time, Teresita." napagpasyahan na iwan siya. Beautiful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD