ILAN ARAW na yung lumipas naging malapit kami ni Aldrich, magmula ng nalasing ako.
Tapos palagi na lang ako inaaya na magtabi pag natutulog, kahit tumanggi ako wala talo pa din ako sa kaniya.
"Where are you going?" Seryosong tanong nito ng makalabas ako ng kwarto niya.
"Di ba dayoff ko naman? Pupuntahan ko lang ang tito ko."
"Where?"
"Basta nga po sir."
"It's Aldrich for you."
Hindi na lang ako umimik. Nakatingin lang ito sa akin habang nakasandal pa ito sa pintuan.
"OstrainVillage."
"What phase?"
Gulat na napatingin ako sa kaniya.
"I know that village, Beautiful."
"S–sorry, Phase 2."
Biglang nagsalubong ang mga kilay nito. "Puro bachelor ang lahat ng nakatira sa phase 2, how come that your uncle is in that phase?"
Napalunok ako. "Pupuntahan ko lang si Brady at dadaan din naman ako sa phase 1 dahil doon si Tito Brandon."
Totoo naman na pupuntahan ko si Brady ngayon, dahil na din pinapapunta niya ako.
"How come? Hindi ba dapat mayaman ka din? Dahil ang mga kamag-anak mo ay nakatira sa village na yon."
Natahimik ako bigla, hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kaniya.
"A–ano, mahirap ipaliwanag." Kinakabahan na dahilan ko.
Napatango ito habang nakatitig sa akin. "Why you going with that guy?"
"Bisitahin ko daw kasi siya."
Nagsalubong ang mga mata nito. "You can't go anywhere, puwede mo naman siyang kausapin sa phone."
"Aldrich!" Asar na tawag ko sa pangalan niya.
Mukhang nagpapanggap ito na walang narinig dahil pumasok ito sa kwarto niya.
Sumunod ako sa kaniya at nadatnan ko ito na nakahiga sa kama, lumapit ako sa kinaroonan niya at umupo ako sa gilid ng kama.
"Hindi mo puuwedeng gawin sa akin ito, Aldrich."
Napatingin ito bigla sa akin. "What?"
"Day off ko ngayon."
"So?"
"I take my day off."
"I don't care, you're not go anywhere."
Sa inis ko, pinaghahampas ko siya bigla sa braso. "Stop that."
Hindi ako nakinig sa kaniya. "Naiinis ako sayo!"
Natawa lang ito at hinila ako papahiga sa tabi niya. "I'm jealous, I don't know why."
"M–magpinsan lang kami."
"Still I'm jealous, Beautiful."
Napangiti tuloy ako sa kaniya habang nakahiga sa tabi niya. On process! Finally
"Anong gagawin ko nito? Nakapangbihis ako ng pangalis."
"Then take off that cloth."
Napakurap ako dahil sa sinabi niya. "A–ano?"
"Take off." Utos nito.
"Heh." Tumalikod ako sa kaniya.
Naramadaman ko naman na naglandas ang kamay nito sa braso ko pababa sa tyan ko.
"Aldrich. ."
"Hm?"
"A–anong ginagawa mo?"
"Playing your arms?"
Napalunok ako. "T–tigilan mo nga ako!"
"Why?"
"K–kasi baka kung saan ito mapunta."
"I want to be with you." Iyon na lang ang nasabi nito bago dumampa ang malambot na bagay sa batok ko.
"A–alrich."