Chapter 16- Helicopter Tureng Two days ago, nalaman kong nabuntis ni Alleon si Anna. I don't doubt it. Alam ko naman ginawa nila yon nung hindi pa kami ni Alleon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang hawakan pa siya o bitawan na. "Ang sama mo! Iiwan mo ang anak natin na walang kinikilalang ama?!" Sigaw ni Anna. Nasa sala sya ng condo ni Alleon habang ako ay nakasandal sa pinto ng kwarto ko habang nakikinig sa kanila na nakatulala. "Hindi ko sya iaabunduna. Hindi kita kayang pakasalan pero kaya kong tustusan ang bata." Paliwanag ni Alleon. Tumawa ng nakakaloko si Anna. "So that's how you clean up the mess you made? Hindi mo ba naiisip na makasarili ka? Iniisip mo lang ang kaligayan mo? Di ba? Kasi pag umentra tong batang to sa tyan masisira ang pagiibigan nyo

