*** "Uhm, Coallyn? This isn't the way to your house," wika ni Hora noong biglang lumiko palihis sa daan patungo sa bahay nila ang driver ni Coallyn. Dahil nga naiwan si Hora ni Yvan na hinila ni Crystal ay naisip na lang ng diyosa na sumabay kay Coallyn. Buti naman at masuwerteng naabutan pa niya ito na patungo sa paradahan kung saan naghihintay ang driver ng pamilya ni Coallyn. Nakapikit at kagat labi na tumingin si Coallyn kay Hora na wala pa ring alam sa pagbabago ng venue ng party. "Actually, uhm. My sister-in-law offered… s-she lend me her hand. I-I mean a bar. Marami siyang business sa downtown that's why she lends me a place, doon tayo papunta," she said, still unsure of how Hora would react. "Ganun ba? S-sige." Tumango lang si Hora. Si Hora na hindi pa nakakapag-move on sa na

