*** Tanghalian. Ito ang oras na kung saan ay may pagkakataon ang lahat ng estudyante na gawin ang gusto nila sa buong araw na nasa paaralan. Kumain, maglaro, makipag-usap, mag-aral, o umuwi. Ito ang oras na libre silang lahat. Ngunit puno ng tensyon ang loob ng room 302, tatlumpung minuto na lang ay mag-aala una na pero wala pa sa kalahati ng klase ang bumabalik mula sa kanilang tanghalian. May bagong prutahe daw kasi ang cafeteria at sabik ang lahat na matikman ito kaya nag-unahan ang lahat. Nakumbinsi naman ni Coallyn si Hora na sumama sa kanya doon kaya naman hindi siya sa silid kumain sa araw na ito. Samantala ang mga naunang bumalik naman ay daig pa ang taong nadapa sa hallway ang hiya na nararamdaman ngayon. Nasa silid na naman kasi nila si Crystal, suot nito ang maroon na maiksing

