Natasha's POV
Wohoo!! Yehey! Naka POV na rin. Pinahinga muna ni Author ang ating bida hahaha.
I'm here at library at naghahanap ng libro na pwede kong basahin. I like reading books lalong lalo na with it comes in biology na eenjoy ko kasi ang pagbabasa nito I really love Science. Hmmm? Aha! ito na yung hinahanap ko.
Pagkatapos kong kunin ang libro ko ay agad akong tumungo sa isang table sa gilid at doon nagsimulang magbasa. Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko ngayon dahil alam ko may kanya kanya rin yung ginagawa. Katulad ni Stella na nag-prapractice ng Volleyball , sya kasi ang Captain sa Volleyball sa school namin at si Alex naman ay nag prapractice ng Badminton. Single ang sinalihan nya, hindi kasi sya mahilig makipag team work lalong lalo na't di nya kilala. Ang boys naman di ko alam kahit medyo matagal tagal na rin kami magkakilala isa parin silang mysteryoso para saakin. Si Mae naman tsk pustahan natutulog nanaman yun ngayon doon sa Garden o di kaya doon sa rooftop *sigh* hay babaeng yun ang hilig matulog.
"Pwede maki share?" Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita kaya napatingin naman ako kung sino itong nag-iistorbo saakin.
0///0 Ok-ay..... OMG Sebastian is here!!!
"Ah-ah oo naman" sabi ko at agad na umiwas ng tingin.
"Thanks"
My Gosh bakit parang uminit bigla ang paligid? On naman ang aircon dito sa library? Hooo I want some air. Kahit medyo matagal tagal na kami magkakilala nina Sebastian hindi ko parin alam kong ano ang gagawin ko tuwing lumalapit sya at kinakausap ako. Na tetense ako na parang natatae basta di ko alam ang nararamdaman ko. Matagal ko na talgang gusto si Sebastian pero syempre dahil MAGKAIBIGAN lang kami kaya hindi ko maiwasang hindi ma tense lalong lalo na at di nya alam na may nararamdaman na pala ako para sa kanya.
Natatakot kasi ako baka isang maling galaw o sasabihin man lang ay malalaman nya na gusto ko sya. Hay mahirap talaga pag kaibigan lang ang turing nya sayo at ikaw ay iba ang nararamdaman.
"Natasha, are you ok?" Napatingin naman ako sa kanya ng wala sa oras.
"Yes I'm ok"
"Are you sure?" Paninigurado nya.
"Yes I'm sure." At binigyan sya ng isang matamis na ngiti na sinuklian naman ng isa rin matamis na ngiti.
After a couple of a time ay umalis na kami sa library. Natanong ko rin sya kung saan yung boys at ang sabi nya naman may inaasikaso lang daw sina Xavier at Alvin si Kevin naman daw pinapatawag ng principal. Naisipan kong bumalik na sa room kaya sumabay na rin sya. Pag dating namin roon ay lahat pala ng mga kaklase ko ay nandito na at kahit yung mga kaibigan namin. Napatigil naman sa pag-sasalita si president am Mukhang nag plaplano na sila para Intrams, akala ko ba bukas pa sila mag pla-plano? Umopo nalang kami ni Sebastian sa upoan namin. Kaya pinapatuloy na ni pres ang naudlot nyang announcement ata?
"Ok were I was saying napa-aga ang pag pla-plano natin dahil yun ang order ng dean. At ngayon din pipiliin kung sino sino ang isasali sa mga paligsahan. Ok mag sstart tayo sa Mr and Ms Intrams.... so Sino ang gusto nyong ipambato natin?" -pres
"Pres. Sina Kate at Nathan nalang ang ipapambato natin. Mga model naman sila kaya kayang kaya nila yan"- Andrew
"Hmmm you have a point. So sino ang bubuto kina Kate at Nathan?" Sumang ayon naman lahat kaya settle na. Pero sino naman ang ipapambato namin sa battle of the bands?
"Ok kayo Kate ang Mr and Ms Intrams.... so sino naman sa Battle of the bands?" Natahimik naman ang lahat. Kakaunti lang naman kasi ang marunong kumanta dito at mag play ng instruments.... pero may naisip akong ideya..
"Kami nalang sa Boy band" presenta naman ni Xavier. Hmmm mukha naman magagaling itong mga to. Gaya kanina sumang ayon ang lahat.
"Pero sino naman ang girl band natin?"
Sege na nga susubukan na nga lang namin at mukhang walang balak itong mga kaklase kong babae na sumali. Agad akong na pataas ng kamay.
"Kami na sa Girl band" tiningnan naman ako nina Alex.
"Nagbibiro ka ba Nat?" Tanong ni Alex na parang sinasabing nababaliw na ako.
"Mukha ba akong nagbibiro? At isa pa this is our chance para malaman naman nila na may mga talents din tayo. Hindi lang academics at beauty ang laban natin" pagkukumbinsi ko sakanila sumang ayon na rin naman sila ganon rin ang mga kaklase namin.
Yes!! Hahaha sa wakas. Matagal na rin kasi kami kumakanta pero hindi sa harap ng maraming tao. Minsang kumakanta kami tuwing bonding lang namin. May ibubuga rin naman kami pagdating jan.
Because we are Kwadro Angel Girl Bands hehehe ^_^
Stella's POV
Anak ng pusang gala naman oh! Itong si Nat talaga eeehhh.. nakakainis. Kami ba daw ang isasali sa battle of the bands? Eh hindi nga kami ganon ka galing eh. Hay buhay nga naman mabuti na lang talaga 1 week ang Intramurals namin at may panahon pa kaming mag practice. Ang battle of the bands rin kasi ang pinakahuling activity ang magaganap sa Intrams.
"Ok settle na ang lahat. So kung sino sino yung mga na pili ay ngayon palang ay kailangan nyo ng mag practice. Give your all best and Good luck sa inyo. Pwede na kayong umalis"- pres.
Sabay sabay kami mag babarkadang pumunta sa caf pero hindi na kami kumain don. Imbis sa caf ay kumain kami sa Rooftop. Mahangin kasi dito at di rin naman gaano ka init. Pumunta kami sa isang sulok at doon nag titipon at kumain.
"Ano ano ba ang sport nyo?" Pag babasag ko sa katahimikan.
"Badminton"-Alex
"Tennis"-Alvin
"Basketball"-Xavier
"Table Tennis"-Natasha
"Tennis"-Sebastian
"Basketball "-Mae
"Soccer"-Kevin
Ahhh. Si Mae basketball for girls po yung kanya huh para po malinaw sainyo hehehe.
"Ikaw Stella, anong sport sayo?" Tanong naman ni Alvin.
"Volleyball"
And We ate silently. A comfortable silent.
"Kailan ba tayo mag s-start na mag practice?" Pagbabasag naman ni Sebastian sa katahimikan. Oo nga noh? Pwede naman seguro sa Saturday.
"Saturday?"
"Pwede... pero diba next next week na gaganapin yun? "-Alex
"Eh kung mamayang hapon? Mahaba haba pa rin naman ang oras natin. And besides may mga sasakyan naman tayo"- Nat. Hmmmm she's have a point.
"Ngayong hapon. Exactly 5:00 pm at Stella's house. Isn't ok with you Stella?"- Woahh am I dreaming? This is not a dream right? Nakikipag plano si Mae with us? Kahit sina Alex,Stella at Nat nagulat rin. Aba sa tagal namin mag kakaibigan ngayon lang yan nakipag plano.
"Ah-ah su-sure. Of course you all Welcome to my House anytime" I said while my smile never faded.
Pagkatapos ng pag-plaplano namin, pumunta na kami saaming klase. And BTW we also created an named for are band, kailangan kasi nito. Sa boys and name ng band nila ay Midnight Kings Boy Band. Wala na silang maisip kaya yan na lang daw.
(Wala na po talaga akong maisip na ibang name eh heheh)
Kami naman ay Kwadro Angels Girl Band, yan ang name ng band namin. Sa totoo lang matagal na namin ginawa ang pangalan na yan dahil mahilig kaming kumanta at minsa pumupunta sila sa bahay namin para mag kantahan. May music room kasi ako sa bahay ko, oo bahay ko talaga at doon kami nagkakantahan kaya doon din na buo ang Kwadro Angels Girl Band.
***
Mae's POV
Pagkatapos ng klase agad kaming nagtongo sa parking lot at kanya kanyang pumunta sa aming mga sasakyan.
"Wait lang guys. Paano kami makakapunta sa bahay ninyo Stella? Eh hindi namin alam kung saan kayo nakatira?"- tanong naman ni Xavier.
"Ay oo nga pala. Message ko nalang mamaya sa inyo ang adress ko."
"Ok"
Kaya sumakay na kami sa aming mga sasakyan at umuwi mona at nag bihis bago kami mag prapractice mamaya. Sa condo ako umuwi dahil trip ko. Mga 4 pa pala. Hmm *smirk* I think I have to do some fun outside, and besides its to early pa naman hahaha.
Nagsout ako ng Gangster outfit ko at nag sout rin ako ng mask. I go to my garage at sumakaya sa aking sasakyan. Ito ang ginagamit ko tuwing pumupunta ako sa Gworld kaya malalaman ng kahit sinong Gangster na ako ang nakasakay dito. The Gangster Princess.
Habang nasa walang ka-taong tao na highway ako ay may napansin naman akong may nakasunod saakin. *smirk* this would be fun. I get my gun and ready myself. Bigla naman nila akong pinaputokan ng baril kaya mabilis ko pinatakbo ang sasakyan ko at pinaputokan rin sila. Binuksan ko ang maliit na window sa aking sasakyan sa itaas nito. I turn on the Audio Driving at hayaan na ang sasakyan ko na mag maneho ng sarili. Habang ako ay pumunta sa maliit na bintana ng kotse ko at pinag babaril sila. Inaasinta ko rin ang mga gulong nila kaa na out of control ito at sumasabog. After ilan pang mga putok ay isa na lang ang natira kaya kinuha ko ang isang granada sa bag ko at hingis doon naging dahilan ng malakas na pagdabog. Hooo!! Yeah!! That was fun. Hahaha kawawang assasins. Yes mga assasin ang humahabol saakin. I think isa sila sa mga taohan ng mafias o kung sino mang Mafia. Tsk You mess with the wrong Gangster assholes.
Tumingin ako sa aking relo at nakitang 4:50 na pala kaya mabilis ko pinatakbo ito papunta ng aking condo at pumasok sa secret passage dito ako dumadaan para di ako masundan ng sino man tuwing nagiging Gangster ako. Pag park ko ay mabilis na akong nag bihis at sumakay na sa aking sasakyan pero ibang sasakyan ang ginamit ko syempre. 4mins na lang kaya pinahurorot ko na ang kotse ko. At dumating nga ako sa tamang oras. Naroon na rin silang lahat at ako na lang pala ang hinihintay.
Pumasok na ako at gaya ng na planohan ay nag practice nga kami. Ang kakantahin naman ng boys ay Sorry by Justin Bieber habang kami naman ay Spark fly by Taylor Swift medyo rock yung amin. Sa boys ay ang vocalist nila ay si Alvin ang guitarist naman sina Xavier at Sebastian ang drumer naman ay si Kevin. Saamin ang Vocalist ay si Natasha at drumer si Alex ang guitarist naman ay ako at si Stella. Pag katapos ng practice namin na natapos lang naman ng 9:00 pm , ay agad na kaming nagsi-uwian.
Pagdating ko saaking condo agad akong nagbihis at humiga sa aking kama. *yawn* what a long and fun day. And everything went blank
***
Kevin's POV
Papunta ako ngayon sa Principal office dahil pinapatawag ako ni tita. Iniwan ko naman sina Xavier sa HQ dahil may pinapa-asikaso ako sa kanila. Pag dating ko sa office nakita ko doon si Tita na may binabasang files. Napatingin sya sa aking dereksyon ng mapansin nya ang presensya ko.
"Oh baby Kevin your here.... Have a seat" she said. Tsk I really hate when she's calling me baby.
"Tsk Tita how many times I told you that STOP CALLING ME A BABY" I said coldly pero may diin ito.
"Hahaha your so cute Kevin when your pissed" tsk hindi nya nga ako tinawag na baby sinabihan nya naman ako ng cute.
"Tita bakit mo ba ako pinapatawag?" Seryoso kong tanong sa kanya. Naging seryoso rin nsman ang mukha ni tita... I think hindi ito basta basta ang ibabalita nya saakin.
"I have the files of all the Mafias who want to get the Underground. And they are also powerfull than we thought. Mukhang marami ng nagnanais na makuha ang Underground at halos ang iba rito ay malalakas at mayayaman" at nilahad saakin ang mga files. Kaya kinuha ko ito. And Yes alam ni tita about sa War. Dahil isa sya sa Board of Directors sya si Ms. Yukato hindi nya ito totoong pangalan.
"Thanks for this tita. And I think kailangan ko monang hintuin ang paghahanap kay lala para din sa kaligtasan nya." Nginitian nya lang ako. Si tita lang ang nakakalam kong sino si lala, bakit? Dahil kay tita ko lang pinakilala ang childhood bastfriend ko dahil wala namang oras noon sina mom at dad. Sabi nya ayaw nya daw sabihin saakin dahil gusto nya ako ang hahanap. Binigyan nya na ako ng clue at ito ay dito sya nag-aaral kaya kami lumipat dito. Umalis naako doon at nagpaalam na sa kanya.
Agad akong dumeretso sa HQ at nakita ko naman sina Xavier at Alvin na kaharap ang mga lop top nila.
"May nahanap na kayo?"-ako
"Yes marami rami rin pala mga toh at hindi lang ordinaryo. Na hack na rin namin ang mga files nila" -Alvin
"Ok... seguro pwede nyo na yang ihinto at may nakuha na rin akong mga files tungkol sa kanila" tiningnan naman nila ako at sa aking dalang mga folders.
"Saan mo na kuha yan?"- Xavier
"Tita"
Tumango lang sila at tinapos na agad ang ginagawa nila. Napansin ko namang wala si Sebastian. Saan nanaman kaya yun?.
"Where's Sebastian?"
"Lumabas at mag lakad lakad lang daw"- Xavier.
Pagkatapos nila niligpit lang mona namin ang mga files na nakuha namin. At plano namin itong pag-aralan bukas. Pumunta na kami saamin klase at umupo sa aming upuan. Nakita naman namin wala parin pala doon si Sebastian. Saan kaya yun nagpupunta? Unti unti naman dumarami ang mga kaklase kong dumadating. Unang pumasok ang ilang mga kaklase kong lalaki at babae sunod sina Stella at Alex kasunod naman si Mae hanggang nag start ang meeting dahil na paaga raw ito.
Dumating naman na late sina Nat at Sebastian. Magkasama lang pala tung dalawang to eh.
Kami ang sa Boy Band sina Mae naman sa Girl Band. Hanggang uwian na at na planohan namin na mag practice ngayong hapon sa bahay ni Stella. At masasabi ko namang magagaling sila. Hanggang nagsipag uwi na rin kami dahil halos lahat kami ay napagod. Kahit ako antok na antok na.
Umuwi na ako sa condo unit ko at na tulog.