CASSIE’s POV
'Nyetang Magnus Torres ‘yan! Ang sabi ay sunduin ko dahil wala siyang dalang kotse. G*go talaga! Papasundo pero gusto lang ipakita sa akin ‘yong babaeng nakakalong sa kaniya. Maganda naman pero mukhang malandi rin kagaya ng iba. As if naman nainggit ako. Haizt! I don't give a damn kahit magbirahan pa sila sa harap ko.
I stayed in the car waiting for ‘my boss’ na mukhang makikipag-jugjugan pa talaga bago magpahatid pauwi. I put my head on the steering wheel at sumubsob na ako roon. Matutulog na lang siguro ako muna. Baka sa isang oras ay tapos na rin iyon.
Natawa ako. Buset! Bakit kaya lagi na lang ay nasa eksena ako na ganito? Dati kay Ate Claire. Ngayon ay kay Magnus the Palautog! Hayup na buhay! Ako pa talaga na walang kapaki-pakialam sa s*x ang napupunta sa ganitong sitwasyon.
Ilang saglit na nakapikit lang ako pero gumagana ang utak ko at nasa isip ang guwapong mukha ni Magnus. Hindi ko pa nakikita ang katawan ni Magnus pero mukhang may ipagmamalaki naman talaga at sa dami na humahabol na babae rito ay hindi na pera nito ang dahilan. Ito mismo.
Katok sa bintana ang narinig ko at naiinis na nilingon kung sino may gawa no’n. Si Magnus Malibog! Oo, dapat palitan na yata ang apelyido nito. Malibog na dapat! Pa-Torres-Torres pa!
I just gave him a glance at muling ibinalik ang tingin ko sa harapan ng sasakyan. The busy people there were looking happy and stupid. Happy, dahil mukhang enjoy sila sa pag-iinuman sa bar ng kaibigan ni Magnus na iba makatingin kanina, mukhang katulad din ni Magnus. Stupid, dahil wala naman sa kanila mukhang nag-iisip ng susunod na mangyayari especially the females na halata naman gagawin lang s*x playmate ng mga lalaking kasama nila.
I unlocked the door on the passenger seat and opened the car’s window.
“Sakay na,” I said to Magnus na hindi siya tinitingnan. I didn’t call him ‘sir’ anymore for he would use the chance to tease me and flirt with me. Mas mabuti na ang umpisa pa lang alam ko na kung paano ako mananalo sa aming dalawa.
For the last two weeks na ginagawa niya ako tagahatid-sundo ay wala naman ako problema. The job is easy. Kahit kadalasan ay may pahagip itong paglalandi ay kaya ko naman i-tolerate lahat. Ako pa ba?!
“Ako magda-drive,” he said at hindi ko alam kung bakit ako natigilan bago ako lumipat sa kabilang upuan. Siya raw magda-drive. There was something on the way he said the words na parang iba ang dating sa akin. I cleared my thoughts, baka wala naman itong ibang ibig sabihin at imagination ko lang na may double meaning.
He was already inside the car nang pakiramdam ko umiinit ang paligid. His masculine scent that I could smell from him ay may ginigising sa akin. Sh*t! How could I ever think na kaya ko siyang balewalain?!
He said na samahan ko muna siya but I managed to decline at sabihin na gusto ko na umuwi. May iba pa siyang sinabi na ikinainis ko lang, like reminding me nang napag-usapan namin na minsan ay magpapanggap ako na girlfriend niya para maiwasan nito ang mga babae na habol ng habol dito.
Eh kanina naman ay mukhang enjoy ito kaya bakit pa ako manggugulo? He should messaged me kung gusto niya pala mag-inarte ako kanina na parang girlfriend. Ang sabi niya ay sunduin lang siya. Ano ako manghuhula? Magdedesisyon agad-agad na wala naman siya sinasabi? I ain’t stupid! At hindi ko ugali umepal.
“Why don’t you like me, Cassio?” he asked me at bigla nanlaki mga mata ko. Ano na naman na tanong ito? Marami ba ito nainom? Lasing na ba ito at wala na sa katinuan? Sabagay at kahit naman hindi ito nakainom ay landi ng landi. Eh 'di lalo na ngayon.
I count one to ten habang nag-iisip. I sniffed the air at may amoy beer nga akong naaamoy. Baka marami na nga ang nainom.
“Do you really like me?” nakangiti ko na tanong. Mukhang madali ko lang ito malulusutan. Mas may tama ito gawa ng alak ay mas madali ko ito mauuto.
“I do,” sabi niya at binigyan pa ako ng pamatay niyang mga tingin. In fairness ay ang guwapo naman talaga but I am not Cassiopeia delos Reyes kung papadala ako sa mga nakakatunaw niyang tingin.
At hindi ako yelo na madali matunaw. Sorry ka na lang, Magnus! Hindi ako kagaya ng mga haliparot mong girlfriend.
Ang totoo ay kung mahina talaga ako ay madadala ako sa mga titig niya and his lips… oh no! I should make my mind clear kung gusto ko maisalba ang puri ko mula sa lalaking ito!
“Truth is… you are making me feel like kilig na super pogi ka at type mo ako but I value our good employer-employee relationship so hindi ako pwede pumatol sa mga sinasabi mo,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
"We can change our relationship anyway. Pwede naman tayo sa boyfriend-girlfriend na relasyon, 'di ba?" mapanukso niyang tanong and his gazes are penetrating me deep inside.
I cleared my mind. I should not focus on his eyes and lips. Kung mayroon matino ngayon ay ako iyon, not Magnus. One wrong move ay mapapahamak ako.
I grinned as my brain is already working now. "Can you really be my boyfriend?" I asked. Mamaya lang ay talo na ito. Cassie for the win!
"I love to. I will provide everything you want. Your kids, I will support them all," he said at bahagya akong napakunot sa kaseryosohan ng boses niya. Why it seems na gusto niya talaga ako?
"Pwede mo ba ako ligawan?" I asked.
"No problem. Simula ngayon gabi liligawan kita."
"Sigurado ka talaga na gusto mo ako?" natatawa kong tanong. I tried to control my laugh dahil alam ko na mamaya lang ay aatras na ito sa sinasabi ko.
"Gustong-gusto kita, Cassio. Ginawa ko na nga lahat para lang makasama ka, 'di ba?" aniya at may padiin pa sa tanong niya.
"Then marry me…" I said to start bluffing him. Masaya ito!
I saw his eyes squinted dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit ko kailangan masaktan eh hindi ko naman siya gusto but the way he gave me a look made me think na hindi talaga siya seryoso, na gusto niya lang ako ikama dahil akala niya ay pwede ako maging MILF niya. Sad life of a single mom! Hindi naman talaga ako single mother pero gusto ko masaktan para sa kanila.
"If you can't marry me ay huwag mo na ituloy panliligaw mo. We could be friends kung gusto mo ma-upgrade ang relasyon natin. Please stop telling me you like me kasi naiilang lang ako. I could act like your woman kapag sinabi mo but stop telling me you want me to be your girlf--"
I stopped talking because in one swift move he kissed me. He claimed my lips and started giving me a mouthful kiss. Sh*t he was kissing me now and I am liking it!
His kiss deepened and the hell with me, I responded by letting his tongue enter my mouth. As he started to play his tongue inside my mouth, he met my tongue that he even sucked. I cried a little for quite the pain I felt because of the way he sucked my tongue but I loved it.
This is my first kiss. I wouldn't count the kiss when I was in high school acting Sleeping Beauty and my partner then kissed me to wake me up. That was nothing, it was just a peck on my lips and even punched the boy who did it to me after the theatrical act.
This… this is the real deal. Magnus is kissing me like he was showing me what a real kiss is. He was kissing me like he was promising me a more blissful moment once I decided to be his woman.
I stupidly responded and even sucked his lower lip and I even taste the beer on his tongue but it didn't stopped me. I sucked his lips and I don't want us to stop.
When he stopped and look at my eyes ay saka lang ako parang natauhan. I kissed my boss. I kissed back my boss na alam ko na magiging simula nang lalo niya pang paglalandi sa akin.
Mabilis ko iniwas ang tingin ko sa kaniya at tumingin ako sa mga tao sa harap ng bar. Some couples are kissing there, ang iba ay nagyayakapan at sumasayaw. I tried to make myself look calm and relax while thinking kung paano ko malulusutan ang ginawa kong pagganti sa mga halik niya.
"You like me too…" Magnus said at napalunok ako. Ayaw ko muna siya sagutin sa sinabi niya. I need to think a good rebuttal answer para siguradong ako pa rin ang panalo ngayon.
"Is it hard for you to admit you like me too?" tanong niya pa. I closed my eyes sa inis ko sa sarili ko. Mukhang matatalo ako ngayon but I won't.
"I like your kissing skills but it didn't mean I like you," there at nakahanap ako ng malupitan na dahilan. "Probably I just missed being kiss, I just missed being--"
"F*cked?" Magnus cut my words again.
Napatingin ako sa kaniya. I don't know why pero nasaktan na naman ako. Alam ko naman na iyon lang ang gusto niya pero bakit parang apektado ako? Why? Nagkakagusto na ba ako sa lalaking ito?