CASSIO A quickie. Yes, I could categorize it as a quickie. Pero gano’n pa man ay kapwa pa rin kami humihingal nang sabay namin naabot ang kasukdulan. Kahit anong posisyon naman yata ay magagawa pa rin ako dalhin ni Magnus sa kaluwalhatian na tannging siya lang ang gusto kong makasama. Hindi pa ako nakakabawi sa aking paghinga nang marinig namin ang boses ni Rowena mula sa intercom at nagkatawanan na lang kaming dalawa dahil sa huling linya ni Rowena na parang hindi niya masabi-sabi ang gustong sabihin. “...basta iyon na po.” Iyon lang at naputol na ang mensahe ni Rowena. “Rowena is such a sweetheart, Maggie. Huwag na huwag mo papalitan ‘yang secretary mo,” natatawang sabi ko na lang sa boyfriend ko na soon stepbrother ko na. Mabilis ko na siyang itinulak palayo sa akin at sinimul

