CASSIO “Ate.” Nilingon ko so Crissa na tumawag sa akin. May eyes get squinted when I saw Adrian with her, mukhang ayaw talaga paawat ng mga ito sa pa-obvious na pagliligawan at kahit dito sa hotel ay palagi na magkasama. Alam ko naman na lunch break ng kapatid ko kaya natural na kumain naman siya pero bakit dito sa resto ng hotel? Dios mio naman talaga itong si Adrian. Ano na lang ang sasabihin ng ibang employees? Bigla ako natigilan. Ano ba pinagsasabi ko na komento sa diwa ko kay Adrian at Crissa ay samantalang kaya nga ako nandito sa resto rin ng hotel ay dahil may usapan kami ni Magnus na dito magkikita at dito na kakain. I cannot throw stones kung kami nga ni Magnus ay gano’n din ang ginagawa at pinag-uusapan na. “Cassie…” Napatingin naman ako sa tawag na iyon sa kabilang gili

