Miraculous "Buhay pa ba 'yan?" "Aba malay ko! Ano ba kasi pinainom n'yo sa kanya?" "Pampatulog lang 'yon, Jeena. Huwag kang mapanghusga—" "Ay, tigilan mo ako Nognog! Baka may iba ka pang hinalo kaya bigla na lang nawalan ng malay itong si Mira—" "Stop! Manahimik nga kayong dalawa at kanina pa ako naririndi sa bangayan n'yo." "Sorry na, Papita. Ito kasi si—sorry na nga, e." Tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata dahil pakiramdan ko ay parang naulit ang eksena ito. Panaginip lang din pala… akala ko totoong si Adam ang sinundo namin. "O, gising na pala si Sliping byuti, kaso hindi pa siya nahalikan ng prince charming niya," rinig kong sabi ni Nognog. Ang bilis kong bumalikwas ng bangon nang iba ang nakikita ko… parang wala kami sa loob ng van. At tama nga ako dahil pagkabangon

