Chapter 10

3113 Words
MIRACULOUS BITIN NA BITIN ang tulog ko dahil ang aga-aga ako ginising ni Papita. Bakit? Para lang naman sabihin na mag-ayos na ako at puntahan na ang hilaw na kano para samahan mamili ng mga gamit nito. Imbes na nakahilata pa ako ay heto at naglalakad na ako papunta sa aming canteen. Nagpupuyos ang aking dibdib sa sobrang inis. Kasalanan talaga ng amerikanong hilaw na 'yun. Bakit ba kasi bigla ay nagkaroon ako ng obligasyon. Dahil nga kasi ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpunta rito sa Pilipinas. Mabilis na sagot ng munting tinig na 'yun. Mas lalo lang ako nainis. Ako? Ako? Sinabi ko bang magpunta siya rito? Wala naman akong sinabi, siya ang nagdesisyon ng bagay na 'yun kaya dapat sisihin niya ang sarili. Pati ako dinamay pa. Nakakainis talaga. Malalaki at mabibigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang daan patungo sa canteen namin. Hindi na rin ako nakapag-almusal dahil si Papita minamadali ako. Hindi naman aalis ang divisoria, ah. Nang makita kong bahagyang nakaawang ang pintuan ay diretso na ako pumasok. "You kita this? This is TABO, like this." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng masamang ispirito. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa ni nognog sa canteen namin nang ganoon kaaga. Sinundan ko kung saan nagmumula ang boses. Dinala ako ng mga paa ko sa … banyo? "Oh! Is that so? Ok, I got it," boses ni Amerikanong hilaw na halatang manghang-mangha sa kung ano. "After you pasok—" "What is the meaning of this?" Putol ko sa sasabihin ni nognog sabay tulak sa pinto ng banyo. Bigla kasi ako nataranta na may pasok na binabanggit si nognog. Nanlaki ang mga mata ko nang mapadako ang tingin kay amerikanong hilaw na tanging boxer lamang ang suot. Tila biglang nanuyo ang aking lalamunan nang pasadahan ko ang matipunong dibdib nito na may mga balahibo. Bumaba ang tingin ko at nakita ang anim nitong abs na parang ang tigas-tigas. At bago pa bumaba ang tingin ko ay biglang nagdilim ang aking paningin. "Miraculous! Anong ginagawa mo rito?" Pasigaw na tanong ni nognog at hinila ako palabas ng banyo. Pagkalabas namin ay inis kong inalis ang kamay niya na pinantakip sa mga mata ko at pati ang ilong ko ay nadamay. "Shutttanesh! Ang baho naman ng kamay mo! Saan mo ba 'yan pinaghahawak," reklamo ko at kunwari ay para akong nasusuka. Nginisihan niya ako. Parang may tama talaga sa utak ang lalaking ito. "Sorry na, kakatapos ko lang kasi magparaos, kung makareklamo ka naman hindi ka pa ba nakakaamoy ng ta—" "Stop!" malakas kong awat sa susunod niyang sasabihin. Nakapa bulgar talaga ng bunganga niya. Ang bilis kong lumapit sa may lababo at naghilamos. Wala naman akong make up dahil literal na ang aking kagandahan. Nagmumog rin ako. Naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko. "Napaka-oa mo talaga Miraculous." Sinamaan ko lang siya ng tingin saka ako naghanap ng tissue upang ipampunas sa mukha ko. "Ikaw naman Afam, hurry bath-bath, your chaperon is here," sigaw niya. Napaismid ako sa hangin. Chaperon? Ako? Sampalin ko kaya face niya. "Ok, just a minute!" Rinig namin na sagot ni amerikanong hilaw. Namaywang ako humarap kay nognog. "At ikaw, ano ginagawa mo nang ganitong kaaga rito?" "Dito ako natulog." "Bakit dito ka natulog?" "Hay naku Miraculous ang dami mo namang tanong. Magtimpla ka na lang ng kape para may pakinabang ka." Umawang ang bibig ko sa sinabi ng hinayupak. Nasundan ko siya ng tingin nang may kuhanin siya sa may gilid ng pwesto kung saan inilalagay ang mga pagkain tinda namin. Maliit na kulay itim na bag pack 'yun. "Sinamahan ko siya kagabi at baka kako magising na lang tayo wala ng laman ang karinderya n'yo," dugtong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o seryoso. Pero kailan ba naging seryoso ang lalaking ito? Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ngayon ko lang napansin na nakagayak na ito ng pangtrabaho. Mukhang mas maaga pa siya kaysa sa akin na gumising. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan. Kulang na lang hubaran mo ako sa mga tingin mo," pang-aasar niya na ikinairap ko. Ang kapal talaga. "Pwede ba nognog. Kung ikaw lang 'di 'wag na lang. Salamat na lang. Ano mapapala ko sa buto't balat—hoy! Umayos ka nga! Sige subukan mo at mata mo lang ang walang latay," mabilis kong awat nang umakto siyang maghuhubad sa harapan ko. "See, takot ka naman pala. Baka mamaya maglaway ka kapag nakita mo ang itinatago kong kakisigan," mayabang niyang turan. "Timplahan mo na kami ng kape. Nami-miss ko na ang kape mo." Walang salitang lumabas sa bibig ko bagkus ay tinalikuran ko siya at pumunta ng kusina upang ipagtimpla sila ni amerikanong hilaw ng kape. Kung hindi umiinom ng kape si amerikanong hilaw bahala siya. Habang nagtitimpla ako ay muli na naman bumalik sa balitawtaw ko ang aking nakita kanina. Infairness to the highest level, ang ganda ng katawan ni amerikanong hilaw. Mga pang-model ang datingan. Sayang lang at hindi ko nasilayan ang ibabang parte, balita ko pa man din 'daks' ang mga afam. Maghunos dili ka nga Miraculous! Ang halay ng utak mo! Napangiwi ako dahil sa munting tinig na 'yun. Sorry na Papa God. I can't resist the beautiful gift from above. Naks! Gumagaling na talaga ako mag-english, ah. Konting kembot na lang bye Philippines. "Ay asong gala!" Malakas kong tili nang bigla na lang akong gulatin ng masamang ispirito. "Ano ba problema mo!" "Kanina ka pa kasi tulala dyan. Ilang kutsara na ba ng asukal nailagay mo rito? Baka mamaya magka-diabetes na ako niyan. Kung gusto mo iparamdam ang ka-sweet-an mo 'wag naman sa ganyang paraan—aray! Hindi ka naman mabiro. Akina na nga 'yan." Kinuha niya sa akin ang kape matapos ko siyang hampasin sa braso. "Putang-ina naman!" Hindi ko mapigilan matawa nang mabilis siyang nagpunta sa lababo at iniluwa ang kape. "Okay ka lang, nognog?" Kunwari ay concern kong tanong pero nagpipigil akong matawa. Sinamaan niya ako ng tingin. "Mukha ba akong okay? Kulang na lang minatamis na kape na ang gawin mo! Mira naman!" Muli na naman itong dumuwal at hindi ko na napigilan tumawa nang malakas. "So-sorry na. Hindi ko naman sinasadya, eh. Ba-bakit kasi dineretso mo ininom. Akala ko titikman mo muna," natatawa pa ring sabi ko. "What is happening here?" Sabay pa kami ni nognog na napatingin sa may pintuan. At muli ay hindi ko napigilan mapasinghap nang masilayan ang hulog ng langit. Kahit naiinis ako kay amerikanong hilaw ay hindi ko talagang mapigilan hindi mamangha sa tangkad, sa matipunong pangangatawan at mas lalo na sa napakagwapong mukha niya. "Isara mo nga 'yang bibig mo! Makaalis na nga at baka mamaya ano na naman ipakain mo sa akin. Ako na nga nagmalasakit, ako pa kinakawawa." Nasundan na lang nila pareho ni amerikanong hilaw ng tingin si Nognog na palabas nang pinto nang bumalik ito. "You, take care of her. No do bad bad to her, I punching bag you, ok!" Tinanguan niya ako saka tuluyan na umalis. Napangiti naman ako dahil sa simpleng gesture ni nognog. Kahit hindi niya man diretsahang sabihin na nag-aalala siya ay ramdam ko 'yun. "Is this coffee?" Napukaw ako sa tanong ni amerikanong hilaw. Ang bilis ko nakalapit sa kanya at kinuha ang tasa ng kape bago pa niya mainom. "Why?" "I make another one. This is expired," sabi ko at itinapon sa lababo ang kape na hindi ko rin alam kung ano ang lasa. "You hungry? You want eat outside? After we buy clothes?" Hindi ko alam kung bumalik ako sa grade one sa bagal ko magsalita na tila ba minememorya ko pa ang alphabeto. Bakit kasi hindi ko pinilit matutong mag-aral ng wikang english ayan tuloy, nangangapa ako. Nang ngumiti siya ay halos mahulog ang aking matris. Juice koh lord naman. Hinay-hinay naman po at ang puso ko ay ang bilis nang pagtibok. "Sure. Let's go." Napatango na lang ako at nauna nang lumabas sa kanya. Habang tinatahak namin ang daan sa sakayan ng dyip ay pansin na pansin ko ang mga humahabang leeg ng mga tao sa paligid. Napairap na lang ako sa hangin. Problema nila. Wala naman silang ambag sa buhay ko kaya 'wa ako cares!' "Are we going to ride again like yesterday?" Tanong ni amerikanong hilaw. Tumango lamang ako. I-save ko na lang ang aking powers mamaya at sigurado mapapalaban ang beauty ko. Nang may dumaan na dyip ay pinara ko 'yun. Punuan na talaga kahit ganito kaaga. Wala naman pasok pero walang pahinga ang mga tao. Nang makapasok kami sa loob ay hindi ko mapigilan na marahan matawa dahil nakayuko na si amerikanong hilaw. Bakit kasi ang tangkad niya. "Ang gwapo." "Daks 'yan sigurado." "Ang swerte naman niya nakasungkit ng afam." "Mapapa sana all na lang talaga tayo." Tumikwas ang aking kilay sa mga naririnig kong komento. Nahiya pa silang ipagsigawan, e, rinig na rinig ko naman. "Here." Napatingin ako kay amerikanong hilaw nang iabot niya sa akin ang singkwenta pesos. "Say… bayad po," sabi ko imbes na kuhanin ito. Dapat matuto siya sa mga simpleng bagay na 'yun lalo na at hindi ko naman alam hanggang kailan siya mananatili sa poder namin. Kumunot ang noo niya. Pero sinunod naman ang sinabi ko. "Bhayad poh," sigaw niya. Nakarinig ako ng mga hagikgikan na parang kinikiliti sila. May kasabayan kasi kami na grupo ng kadalagahan. Mga kabataan na babae. Ang aga-aga saan kaya sila pupunta? Kinuha ng isang lalaki ang inaabot ni amerikanong hilaw. Nanatili lang akong tahimik pero sinusulyapan ko siya na tahimik rin. Parang biglang nagbago ang awra niya. Bigla siyang naging isang nakaka-intimidate na amerikanong hilaw. Uy, english 'yun, intimidate. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Para talaga akong matutunaw sa lalim ng kanyang pagkakatitig. Kundi pa ako kinalabit ng katabi ko para sa sukli namin ay hindi yata mapuputol ang tinginan namin. Narinig ko rin ang mga kabataan na kinikilig. Bigla nag-init ang mukha ko at agad na yumuko. Gosh! Bakit ba kasi hindi ko magawang bawiin ang tingin ko sa kanya. Oh, lord! Give me strength to avoid temptation. Gumagaling na talaga ako mag-english. "Dividoria! Divisoria! Divisoria!" sigaw ni manong driver at doon ay natauhan ako na dito pala ang aming destinasyon. Nakita kong nagsibabaan ang mga kabataang babae. Kaya naman sumunod na rin ako, hinawakan ko sa kamay si amerikanong hilaw upang hilahin. Pagkababa namin ay humarap ako sa kanya. Nakita ko siyang nakatingin sa magkahawak namin mga kamay kaya ang bilis kong binitiwan ang kamay niya. Baka ano pa isipin niya. "Sorry." Nag-peace sign pa ako. "We are here. So many good things here. What you like uhmmm to buy." Minsan naitatanong ko ang sarili ko kung makakaya ko ba maka-survive? Inilingan-lingan niya naman ang kanyang ulo. Na para bang hinahanap kung ano nga ang kailangan niya. "I need clothes. Where can we buy it?" Kapagkuwan ay tanong niya. Huminga muna ako nang malalim saka siya tinalikuran at nagsimula na maglakad. "Hey, where are you going?" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses niya. Ayoko nga ipahalata na kasama ko siya kaso mukhang siya gusto ipanlandakan na magkasama kami. Maaga talaga ako tatanda. Nanggigigil na hinarap ko siya. At ayun na naman ang pag-iba nang t***k ng puso ko. Traydor talaga! "Just follow me, ok," mahina kong sabi at lumapit pa ako nang bahagya sa kanya. "Hey!" "Ay palakang buntis!" Tili ko kasabay ng sigaw niya rin at sunod ko naramdaman ay ang pagpulupot ng kamay niya sa aking baywang. Habang ako naman ay napasubsob sa malalapad niyang dibdib. "Huwag kasi kayo pakalat-kalat, doon kayo sa park mag-date." Dahil sa narinig ko ay bigla umusok ang aking bumbunan at mabilis akong tumayo at lumayo kay amerikanong hilaw. Haharapin ko sana kung sino man ang walanghiyang pakialamero na 'yun kaso natigilan ako nang mapansin na halos lahat ng mga tao doon ay nakatingin na sa amin. Shutttanessss! Nakakahiya! Kaya bago pa ako mag-trending ay hinila ko na si amerikanong hilaw paalis. Kung sa tingin n'yo ay magkaka-slow motion dahil sa pagkakayakap namin kanina pwes sorry wala tayo sa k-drama. Pero sayang 'yun, pagkakataon ko na sana maka-score. Napahagikhik ako sa pumasok sa isip ko. Nang masiguro kong malayo na kami ay huminto na ako sa paglalakad nang mabilis at hinihingal na hinawakan ko pa ang aking dibdib. "You okay?" Napalingon ako kay amerikanong hilaw na parang wala man iniinda. Hindi man lang ba ito napagod? Nang sabay kaming napatingin sa kamay kong nakahawak na naman sa kamay niya ay singbilis ng hipo-hipo ko 'yun binawi. Nakakarami na ako. "I'm good. Let's buy na," hinihingal ko pang sabi. Gusto ko nang umuwi at baka dito pa ako madedo. Nagsimula na nga kaming maghanap ng mga kailangan niya. Habang pinagmamasdan ko siyang namimili ay halatang hindi ito sanay. Pero ang makita ang ngiti sa mga labi niya habang nakikipag…harutan sa tindera ay bigla gusto ko siyang sungalngalin. Umirap na lang ako sa hangin. At dahil narito na rin ako, mas mabuti pa na makikalkal na rin baka may magustuhan ako. "Your body is macho, this bagay-bagay sayo. Handsome na handsome you here," rinig na rinig ko ang boses ng malanding babae. "Really? Ok I will get five," maharot ding sagot ni amerikanong hilaw. "What else you need, sir?" Infairness, marunong si ate mag-english. Kungsabagay, saleslady siya kaya dapat lang na marunong at sayang ang pinapasahod sa kanya. Bigla akong napalingon sa gawi nila nang hindi agad sumagot si amerikanong hilaw. Nagtama ang mga mata namin at andun na naman ang titig niya na para akong malulusaw. "Hey, Mira," tawag niya sa akin. At kahit ayaw ko siyang pansinin sana ay wala naman ako magagawa baka kasi may kailangan siya. Lumapit ako sa kanila. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtaas ng kilay ng babae kaya naman mas tinaasan ko siya ng kilay. Anong akala niya, siya lang ang may rights magmaldita. "Yes?" Pinalambing ko rin ang boses ko para mas asarin ang malantod na babae. Nahigit ko ang aking hininga nang yumuko siya at inilapit ang bibig sa aking tainga. Para na akong mawawala sa ulirat. Oh'lord! "I need some underwear, but I'm shy to tell her," bulong niya sa akin kasabay nang paggapang ng kakaibang kilabot dahil sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa aking balat. Sa akin hindi ba siya nahiya? Nagtayuan yata ang balahibo ko. "You hear me?" "Hu-huh?" Napakurap-kurap pa ako at doon ko lang napagtanto na nakalayo na siya sa akin. "Ano 'yun?" Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Para bang pinipigilan niyang ngumiti. "Sir, tell me I can assist you," sabat ng mukhang pirana esteh ng saleslady sa usapan namin. Nang bumaling si amerikanong hilaw sa kanya at ngumiti ay kulang na lang ay maihi ito. At sa inis ko ay hinila ko na si Amerikanong hilaw palayo sa virus. Hinanap ko ang parte kung saan makikita ang hinahanap niya. Pumasok kasi kami sa isang tindahan na mukhang kumpleto lahat. Nang makita ko ay mas bumilis ang lakad ko. Nang makarating kami ay binitiwan ko na ang kamay niya. Oo, aware ako na hawak ko ang kamay niya. "Here, choose. I want to go home," suplada kong sagot. Ayoko siyang tingnan dahil alam ko ano mangyayari. Mukhang nagiging orocan na naman ako hindi sa pagiging plastic ah kundi sa pagiging marupok. Nang makita ko siyang nagsisimula nang mamili ay pinagmamasdan ko lang siya. Pwedeng-pwede siyang maging basketbolista sa tangkad niyang anim na pulgada habang ako ay nasa lima lang yata. Hiyang-hiya naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapakunot ang noo dahil ni hindi niya mang hinahawakan ang mga brief. Nakatingin lang siya sa mga ito na para bang ilalabas nito ang sikreto ng buong mundo. Nang lingunin niya ako ay napilitan akong lapitan siya. "Problema mo?" Kusang lumabas sa bibig ko. "Are they clean?" Nagdududa niyang tanong. Napapikit na lang ako. Oo nga pala. Galing nga pala ito sa ibang mundo. "Maybe they have a brand new one?" Tanong niya ulit. Tinawag ko si kuya na padaan sa gawi namin. Naka-uniform kasi ito na parang sa mga saleslady. "Yes po, ma'am?" nakangiti niyang tanong. "Meron ba kayong mga brief na nasa kahon, 'yung bago, brand new?" Naiilang kong tanong. "Mga bago naman po ang mga 'yan." Napatingin ako kay amerikanong hilaw na mukhang nakikinig lang sa amin. Muli akong tumingin kay kuya. "Baka meron na hindi nakaladlad. Pasensya na kuya kasi itong kasama ko medyo may pagkamatikuloso. Alam mo na forengers kasi," hininaan ko ang huling mga salitang binitawan ko. Mukhang nakakaunawa pa man din si amerikanong hilaw ng tagalog. Mukhang nakuha naman ni kuya ang gusto kong sabihin kaya naman ngumiti siya saka niya kami iginiya patungo sa isang bahagi. "Sir, what size?" tanong agad ni kuya pagkahinto namin sa isang sulok na may mga parang drawer na salamin ang takip. Bigla kong inabala ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga tao pero ang aking tainga ay nakatutok naman sa isasagot ni amerikanong hilaw. "Double xl." Halos lumuwa ang mga mata ko. As in? Grabe, kasama ba ang size ng ano niya. "Do you have other kinds of it? Like Jockstrap or a boxer brief. I want something that I will be comfortable," dugtong niya na ikinalunok ko ng laway. May iba't ibang klase pa ba ng brief? Bakit wala akong alam? "Yes sir. For a while." Hindi ko na napigilan na ibalik ang tingin sa kanila. At nakita ko nga na may inilabas na ilang plastic si kuya. Binuksan niya 'yun at niladlad. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Bakit may ganun? "This one is thong, your buddy only hides," paliwanag ni kuya habang hawak-hawak ang kapirasong tela. At tama ito kapag isinuot ni amerikanong hilaw baka pati eggs niya ay makikita na. "This is the Jockstrap," sunod naman pinakita ni kuya ang medyo kahawig ng brief pero hindi pa rin matino. "And this is the boxer brief." Huli niyang pinakita ang isang kulay blue na tela. Okay na sana pero talagang may lalagyan ang…ang…ang alaga niya. Nang humarap sa akin si amerikanong hilaw ay literal na akong nakanganga dahil iladlad niya ba sa pagmumukha ko ang mga brief na 'yun. "What do you think?" Shutaness! Ako pa talaga tinanong. "What do you like?" Malakas akong tumikhim para alisin ang tila bumara sa lalamunan ko. "Wh-why me? You choose. Hindi naman ako ang magsusuot niyan!" Mataray kong sagot sabay talikod sa kanila at naglakad ako palayo bago pa ako tuluyan mahimatay lalo na at ang napakabuti kong isipan ay iniimagine na kung ano ang hitsura ni amerikanong hilaw kapag suot ang mga 'yun. I need fresh air! I need to breathe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD