2 years later... "GINTO!" "Ay kabayo!" Biglang natigil ang imagination ko nang bigla akong batukan ni Lucicar. Iyon na eh! Malapit na malapit na sana! Malapit na sana ang moment namin ni Pangga sa imagination ko. Dakilang epal talaga 'tong si Besh. "Besh naman! Anong problema mo?!" "Problema? Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo ako pinapansin. Para kang timang na nakatulala sa lalaking nasa counter." Kumurap naman ako at inayos ang aking pagka-upo saka itinuloy ang pagsubo ng fries. "Seriously? Ano naman 'tong trip mo sa buhay, Besh? Masyado mo nang sinasamantala ang kabaitan ni Bryce. Hindi ka na naawa. Pinag-franchise mo siya sa fastfood na 'yon pagtapos ginawa mo pa siyang service crew!" Napairap ako sa tinuran ni Lucicar. Kasalukuyan kasi kaming nasa favorite fastfood chain

