NAHANAP na niya ang totoong makakapagpasaya sa kanya. At hindi sa piling ko 'yon. Sobrang sakit ngunit may karapatan ba akong masaktan? I've been lonely for five years. Hinahanap-hanap ng puso ko ang mga sandaling masaya kami at ang mga sandaling abot-kamay ko siya. Kung hindi kami nagkaproblema hahantong pa rin kaya siya sa ganito? Would we end up together? Maraming katanungan sa isip ko. Ngunit hindi ko mahanap-hanap sa sarili ko ang sagot. I-untog ko man nang paulit-ulit ang ulo ko sa pader ay hindi ko na siya mababawi pa. Should I be happy now? But how can I make myself whole if half of me is with her? How? Gold Reign... Bakit mo pa ako pina-ibig sa'yo kung iiwan mo lang pala ako sa ere? Sana hindi na lang kita pinansin noon. Sana hindi ko na lang tiningnan ang mga mata mo. Sana pi

