Chapter 2

1136 Words
Chapter 2 Walang tigil sa hiyawan ang tao sa Egoistic bar at yun ay dahil sa Parking Jammers na kakatapos lang mag-perform. Isa silang aspiring band na nagsimula sa pagkakaibigan. Hindi lang rin sila nakilala sa talento ng pagkanta pero kilala rin sila sa pagiging gwapo. "Dre, iba talaga ang Parking Jammers." sabi agad ni Niel, ang may-ari ng Egoistic. Andito na sila sa back stage. "Nagkakagulo sa bar kapag kayo ang kumakanta." "Alam mo Niel, yung iba mukha lang ni ENZO ang pinunta dito sa bar mo." napailing lang si ENZO sa sinabi ni JC. Ang vocalist nila sa band. Madalas kasing si ENZO ang nahaharas sa kanila ng mga babae na fans nila eh. "AKo nanaman ang nakita nyo," sabi ni ENZO habang nililigpit ang bass guitar nya. "By the way guys, may naghihintay sa inyo." sabi pa ni Niel. Lumabas ang isang babae na naka office attire. Maganda ito, katamtaman ang height at mukhang mabait. "This is Annie, from Threads apparel." "Hi guys," bati nito. "You were amazing on stage," ngumiti kami at nagpasalamat. "Anyway, hindi ako magpapaligoy-ligoy pa. I am here for this." May itinaas itong limang folders. "I have a proposal for you guys." Lumipat sila sa isang private room sa bandang taas ng Bar para mas maayos na makapag usap.  Buti nalang kabarkada nila ang may-ari nang Bar na si Niel, kaya mas may access sila sa maraming area dito. Isa-isa nyang inabot sa amin ang folder. Bumungad sa amin ang logo ng threads apparel. Andoon din ang invitation nila sa banda para tumugtog sa event nila. "In three weeks na ang gig." at malapit na yun. "Yeah, I know. Maikli nalang ang preparation pero sana tanggapin nyo na. Kailangan na kailangan talaga namin kayo." nagkatinginan kami. Alam namin kasi na hindi lang pagbabanda ang pinagkaka-abalahan naming lahat. "Ikaw JC, anong desisyon mo?" tanong ni Kats sa vocalist nila. Ito kasi ang madalas na pinapa-decide nila sa mga gig nila. "October 20? Ahm, Free naman ako nito. What about you guys? HIndi lang naman ako ang dapat magdecide eh." nagkatinginan sila ng saglit. "Ako free naman ako sa araw na yan." sabi ni Lester- ang drummer nila. Maya-maya sumunod na sumangayon ang iba. "So, MIss Annie. I guess it's a yes." "Thank you guys!" natawa sila dahil sa reaction ni Amy! Para kasi itong nanalo sa lotto. "Pasensya na ha, nakaka-pressure lang kasi dahil ilang beses na kaming tinanggihan." paliwanag nito. "SO bukas, magmeet tayo for contract signing and rehearsal." "Wow, parang dumaan si Flash sa sobrang bilis ah." sabi ni Seth. "I know guys," sagot ni Annie na humihingi ng pasensya. "Pero sana maintindihan nyo. Perfectionist ang boss ko gusto nya maayos ang lahat dahil kung hindi baka mawalan ako ng trabaho." Nagtinginan saglit ang magkakabanda bago sumagot, "Okay, we'll be there tomorrow." sagot ni ENZO. "Thank you guys!" nakahinga ng maluwag si Amy atleast wala na sa alanganin ang trabaho nya. ---- HIndi na nagtagal si ENZO sa Bar. Marami pa syang dapat tapusin. Gig lang talaga ang pinunta nya doon at hindi night life. Ganoon nga siguro talaga kapag maraming responsibility ang nakasalalay sa iyo. Papaliko palang sya papunta sa sa street kung nasaan ang building ng Condo nya nang mapansin nya ang isang Silver na Convertible na BMW. Alam nyang bagong labas lang ito at may kamahalan ito kaya hindi maiwasan na ma-appreciate talaga nya ito. Lalo na sa tulad nyang mahilig sa sasakyan. Nag-overtake sya dito para makita kung sino ang nagda-drive at tulad ng nasa isip nya, babae nga ito. Sa klase palang nagpagpapatakbo nito alam nyang babae, pero hndi nya nakita ang mukha nito. Hindi nagtagal ay narating nya ang parking area ng Condo nya. He gathered all his thing and when he was about to open his car door, may malakas na hampas ang narinig nya. HIndi lang nya narinig, naramdaman nya pa at sigurado syang sa kotse nya ito tumama. "What the.." agad na bumaba sya sa sasakyan para i-check kung ano ang nangyari. Doon nya napansin ang isang sasakyan na nasa likod ng sasakyan nya. Ito ang bumangga sa sasakyan nya. Sa kinasamaang palad, mukhang ito pa ang sasakyan na nakita nya kanina-kaninalang. Pero ngayon nya lang nakita ang sasakyan na ito na nagpark sa tabi nya. "Oh my.." napatingala ako sa narinig kong boses ng babae. She's beautiful. Sakto lang ang height nya, may kahabaan ang buhok, maganda ang mga mata, matangos ang ilongm and her lips-- "You." madiin na sabi ng magandang babae na unti-unting nagiging dragon. "Kalalaki mong tao hindi ka marunong mag-park ng maayos." "Excuse me?" hindi makapaniwalang sabi ni ENZO. Nakalimutan nya bigla lahat nang papuri nya dito. "Ikaw ang bumangga ng sasakyan ko tapos ako ang hindi marunong mag-park?" "Kung maayos mong na-ipark ang sasakyan mo, hindi ka masasagi ng sasakyan ko. Kaya ipapaayos mo ang sasakyan ko." "Wow naman!" naiiling na sabi ni ENZO. "Miss nagbibiro ka ba? Alam mo ba ang sinasabi mo?" "Oo, alam ko! Look.." tinuro nito ang linya na naghahati sa bawat parking space. "Lumpas ka." sinuri rin ito ni ENZO. "Alam mo miss, kung OC ka masyado, sorry. Pero kung marunong ka magpark ng maayos, that small inch na nilampas ko won't be a problem and it won't even change the fact that just you hit my car." "And why would I do that?" sagot ng babae na naka-cross pa ang mga kamay sa dibdib. "HIndi mo ba nakikita?" itinuro nito ang sasakyan nilang pareho. "Mine is the latest. Alam mo naman siguro ang value ng sasakyan ko compare sa value ng sasakyan ko? So bakit ko babanggain ang old model mong sasakyan?" Nag-iinit ang batok ni ENZO sa narinig. Napipikon na talaga sya. Kung lalaki lang ito, nasuntok na nya ito sa mukha. Pero dahil hindi nya gawain ang manakit ng lalaki, pinigilan nya ang sarili at huminahon. "Alam mo, mas okay pa kung sa CCTV tayo magkaalaman." "Fine!" Pumunta silang dalawa sa office ng security para malaman kung sino ang may mali. HIndi naman sila binigo ng guard. Agad na ni-replay ang ganap kanina at nalaman nila ang sagot. "See?" sabi ni ENZO. "Siguro naman matalino ka para ma-gets kung ano ang napanood mo." Kitang kita kasi sa video na sya talaga ang bumangga sa sasakyan. Kahit na ipagpilitan nya pa na mali ang pagpark ko, hindi talaga uubra! "Mam, kayo talaga ang may mali." "Shut up" agad na sabi ni Stefanie. "Okay, so ako na ang may mali. End of conversation." sabi ni Stefanie bago tumalikod at naglakad palayo. "At saan ka pupunta?" "Sa unit ko.  Saan pa? nakataas na kilay na sagot nito. "What about the damages? Sorry nalang? Ganoon?" Sabi pa ni ENZO. "Eh ni sorry nga mukhang hindi ka marunong." ngumiti pa si ENZO. "Sorry miss, pero hindi ka makakawala sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD