Friends Hindi ako makapaniwala sa nakita. Mayroon na akong ilang ebidensiya ngunit mahina ito para patotohanan ang aking konklusyon. But now, I can confirm it. Nakatitig sa akin ang pula niyang mga mata. Sobrang putla ng kaniyang balat at ang pangil ay mahahaba. "Laurelia.." paos niyang saad bago napapikit at nawalan ng malay. Halos hindi ko pa maiproseso nang maayos ang nangyayari. But all I know is, he's a vampire. Luminga ako at napansin ang babae na unti-unting nagkamalay. Nakita ko muli ang kaniyang dugo ngunit hindi na ako nakaramdam ng kung ano. Sinapo niya ang ulo at sumulyap sa amin. "Shit.." usal nito. Hindi ko alam ang uunahin ngunit ang naisip ko na lang ay humingi ng tulong para sa babae. Iniwan ko saglit si Sir Azriel at nagtawag ng maaaring maghatid sa babae sa ospital

