"Mama, you're going to meet my ate Solemn and si Lana. Si Lana po, Solana name niya but I call her Lana para twins kami kasi ako si Luna," pagkekwento niya. Tumango na lamang ako. Pinaupo niya ako sa sofa at umupo siya sa tabi ko. "Nameet mo na po sila last month," aniya at ngumiti sa akin. Napaisip ako. During that time, I'm just at the mansion doing anything just to kill my boredom. Bumaba ang tingin niya sa dala kong jar. Nagliwanag ang kaniyang mukha. Napangiti ako at inabot iyon sa kaniya pero inalalayan ko. Halos kasinglaki niya lang kasi ang jar. She giggled and hugged the jar. Napasulyap ako sa daan patungo sa kusina. Doon dumiretso ang ama niya na mukhang bad mood. Lumabi ako at pinagmasdan na lang si Luna. "Anyone home!?" Nanlaki ang mata muli ni Luna at lumapit sa akin. Nain

