Seal Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay pabalik sa café. Akala niya yata ay mawawala ako ano mang oras. Bumalik kami sa aming pwesto kanina at naroon pa rin ang aming gamit. I smiled at him. "You let me kiss you, so does it mean that you don't love your fiancé?" mariin niyang tanong. Kumunot ang noo ko at nagtatakha siyang tinignan. "I don't have a fiancé.." depensa ko. He clenched his jaw and closed his eyes tightly. Pagmulat niya ay halata na ang pagod sa kaniya. Napalunok ako at tinignan ang kamay niyang mahigpit pa rin na nakahawak sa akin. Nasa ibabaw iyon ng mesa. "That's a news from your ate Julianna," aniya. Napailing-iling ako. "I don't have a fiancè, Azriel. I'm alone for the past years. I mean, I don't have any man beside me. Si Martina ang kasama ko, ang kaibigan

